"Can I order you another drink?" Tanong ng lalaking tumabi sa akin pagkatapos kong maubos ang aking inumin. Nilingon ko siya at nagulat na makita ang pamilyar niyang mukha dito. "Hey! Kumusta? What are you doing here?" Tumayo ako at nakipagkamay sa lalaking nasa kaliwa ko. Nakasuot ito ng puting polo shirt at itim na baseball cap. "Nagbabakasyon lang kasama ng barkada. Ikaw, kumusta? Galing mo palang magsayaw ha. t****k t****k din kapag may time!" Nakangiting tugon niya. Nag order siya ng beer samantalang ako naman ay ang order ulit ng martini with green olives. "Baliw! Nakita mo kami. f**k!" Sambit ko sa kanya. "Anyway, kumusta ka na? How's your work?" Lumingon lingon pa ako pero di ko makita si Baste. Tagal naman yata nun sa banyo. Di kaya na-flush na yun? "Medyo busy sa work. Kaya w

