PART 14

4646 Words
"San mo gusto kumain?" Tanong nito. "Kahit saan. Surprise me! Basta kelangan ko makabalik bago mag-ala una." Sagot ko rito. "Okay!" Sagot nito.  "Dito na lang. Kain ka na!" Dagdag ni Baste habang nakangiting itinaas niya ang kanyang gray polo shirt exposing his n*****s and abs.  "Baliw! Ang libog mo talaga! Nagugutom na ako. Tara na! Sayang ang oras." Binato ko siya ng ballpen na kinuha ko sa middle console ng kotse niya. "Ouch! Rejected ang katawan ko!" Pa-drama effect na sabi niya. Nagtawanan na lang kami at pinaandar na niya ang sasakyan. Inikot ko ang aking paningin sa kotse niya. Malinis naman ito at walang masyadong kalat bukod sa ilang resibo sa middle console. Mabango ito. Actually, pabango niya ang nalalanghap ko habang nasa loob nito. Sa backseat naman ng kotse niya ay nakita ko ang maraming home decors na nakasupot pa at mukhang pinamili niya kanina. "Anong ginagawa mo rito sa QC today?" Curious kong tanong sa kanya since taga-Makati siya.  "Ah, bumibili lang ako ng mga materials para sa project ng client ko. Start na kasi kami sa renovation ng bahay niya pagkatapos ng Undas." Paliwanag nito. Pumasok kami sa isang subdivision. Hindi na pamilyar ang lugar na binabagtas namin. I don't think nakapunta na ako rito.  "Tara!" Pagyaya ni Baste ng huminto kami sa tapat ng isang karinderiya.  "Cooking Ng Anak Ko Eatery" ang basa ko sa nakasulat sa karatula sa labas nito. Pansin kong maraming tao sa loob nito. Lumabas na kami ng kotse niya at pumasok sa loob ng kainan.  "Hi Ate Nena!" Bati nito sa may edad na babaeng nasa likod ng hot food display cabinet. "Uy! Tagal mong nawala pogi ah! Welcome back! Ay, may kasama ka palang isa pang pogi! Ano pangalan mo?" Tanong ni Ate sa akin. "Theo po." Sagot ko.  "Ah ok. Theo, pili ka lang ha. Marami kaming putahe rito. Mura lang." Sales talk ni Ate sa akin. "Baste, meron kami nung paborito mong adobong pusit at giniling na pusit." Dagdag nito. "Wow! Sige, Ate, isang order nun pareho. Tapos isang rice and s**o't gulaman na rin. Ikaw Theo, bukod sa katawan ko, ano gusto mo kainin?" Lokong tanong sa akin ni Baste. Napansin kong ngumiti ng wagas si Ate ng marinig ang sinabi nito.  "Gago! Baka maniwala si Ate. Ano na lang po, isang order ng sinigang na baboy, pork barbeque at kalahating rice Ate." "Good choice. Masarap ang sinigang nila rito. Gusto mo ng leche flan?" Tanong sa akin ni Baste. Tumango ako rito. "Ate Nena, pakisamahan na rin ng isang leche flan." "Theo, hanap ka na ng upuan please." Utos sa akin pagkatapos pa namin mag-unahan sa pagbabayad. Wala akong nagawa kung hindi sundin ang utos niya dahil yung pera niya ang tinanggap ni Ate.  Medyo nahirapan akong makakuha ng mauupuan namin dahil lahat ay okupado. Buti na lang at saktong may mga tumayo kaya nagmadali akong lapitan ang lamesang iniwan nila.  "Dami ko ng utang sa yo ha. Kahapon, ikaw na rin nagbayad sa Chowking eh!" Sabi ko kay Baste ng umupo na rin siya sa tabi ko.  "Maliit na bagay. Laki naman ng bigay mong happiness eh. Quits na tayo." Sagot nito. "Ha? Anong happiness? Yun bang ginawa natin kahapon at nung isang gabi?" Naguguluhan kong tanong dito. Hindi na niya nasagot ang tanong ko. Dumating na kasi ang mga pagkain na in-order namin. Ng makita at maamoy ang mga ito ng mas malapitan ay mas lalo akong nagutom at ginanahang kumain. Tama nga si Baste. Masarap ang sinigang nila rito. Pati yung BBQ ay masarap din. Kaya naman pala maraming kumakain dito. Pati ang bonus na sabaw na nakalagay sa maliit na mangkok ay ulam na.  Nilalagyan ni Baste ng ilang piraso ng adobong pusit at giniling na pusit ang aking plato. Ako naman ay kinakain ko ang mga ito. Masarap din ang pagkakaluto ng mga ito. Potek! Pinatataba ba ako ng mokong na ito? "Kuha ka rin ng sinigang para sa 'yo." Alok ko rin dito. Dapat hindi lang ako ang tumaba dahil dito. Kumuha naman siya ng mga gulay at karne sa inorder kong ulam.  "Paano mo na-discover ang lugar na ito?" Tanong ko pagkatapos nguyain ang malambot na karne sa BBQ. "Lagi kami pumupunta at kumakain ni Lola rito nung buhay pa siya. Kilala kasi ni Lola yung dating may-ari nito, yung nanay ni Ate Nena, si Lola Fina." Pagbabalik tanaw ni Baste. "Ah okay. Bait siguro ng Lola mo no?" Tanong ko rito habang patuloy na kinakain ang mga inilalagay niyang pusit sa plato ko. "Oo naman. She's the best! Sayang nga hindi kayo nagkakilala." Halata sa mukha niya ang kasiyahan at lungkot tuwing nababanggit ang lola niya.  "Siya ba yung nasa picture sa side table mo sa sala?"  "Yeah, that's her." Pag-kumpirma niya pagkatapos sumubo ng paborito niyang pusit.  "She's pretty. Ilang taon siya nung namatay?" Muli kong tanong sa kanya. "She was 82." Lumungkot na naman ang boses niya.  Ipinagpatuloy na namin ang aming pagkain habang pinagkukwentuhan ang mga nakakatuwang memories nila ng Lola niya sa kainan na ito. Tawa siya ng tawa. Umaaliwalas ang mukha niya habang kinukuwento niya ang mga ito.  Pagkatapos ng ilang minuto ay naubos na namin ang lahat ng inorder namin. Pati yung isang lyanerang leche flan ay hindi nakaligtas sa amin. Pinaghatian namin ito at mabilis ito naubos. Parang bula tuloy itong naglaho. "Bye Ate Nena! Una na kami. Salamat ulit!" Paalam ni Baste sa babaeng kumuha ng order namin kanina. Mr. Friendship talaga ang lalaking ito.  "Sige! Balik kayo ha! Ingat kayo!" Sagot ni Ate. Kumaway at nagpaalam na rin ako. Babalik talaga ako rito. Palabas na kami ng karinderya ng may nakasalubong kaming matipunong lalaki at bumati ito sa kasama ko. "Hey Sebastian! Kumusta?" May kasama siyang dalawang lalaki na parehong nakaitim na polo at pantalon ang suot. "Eric! Ayos lang. Ikaw?" Seryoso ang mukha niya at walang bahid ng pagngiti ng sumagot ito. May nase-sense rin akong kakaiba sa tono ng pagsasalita ng katabi ko.  "Okay lang din. It's nice to see you again. Tapos na kayo?" Nakangiting tanong ng lalaki habang tinatanggal ang suot na aviator sunglasses. Nakasuot ito ng puting office barong at itim na slacks. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. "Kami, hindi pa. Pero tayo, tapos na!" Makahulugang sagot ni Baste.  "Anyway, una na kami. Theo, tara na! Male-late ka na." Sabi niya ng nilingon ako nito. Napatingin din sa akin ang lalaking kausap niya.  Nag-umpisa ng maglakad si Baste palabas ng karinderya at iniwan ang kausap niya. Sumunod na rin ako. Ang awkward lang ha! Lumingon pa ako pabalik at nakita kong nakatanaw pa rin sa amin ang lalaking tinawag niyang Eric.  Pumasok na kami sa kotse at pinausad na niya ang kanyang sasakyan. Ramdam ko ang tension na dinadala niya ngayon. Iba ang higpit ng hawak ng mga kamay niya ngayon sa manibela. "Okay ka lang ba?" Nakalingon ako sa kanya. Nakatutok lang ang tingin niya sa harapan. Medyo ilang segundo rin bago siya sumagot. "Oo. I am so sorry you had to witness that. Hindi ko ine-expect na makita yung gagong iyun doon." "Sino ba yun?" Tanong ko sa kanya.  "Uhmm.. Ang demonyo kong ex." Nag-aalangan niyang sagot.  "Ex-boyfriend o ex-client?" Follow up kong tanong.  "Ex-boyfriend. Our break-up didn't go well kaya ganun." Paglilinaw niya. "I see. Okay lang if we talk about him?"  "Uhmm... Okay lang." Sagot niya. "Bakit kayo naghiwalay?" Tanong ko. "Mahabang kwento pero long story short, siya ang nagsabi kay Lola tungkol sa pagiging stripper ko." Saad niya.  "Wow! Kelan kayo naghiwalay?" "More than 3 years ago. Few months bago namatay si Lola." Malungkot niyang sagot. "Tagal na pala. Ngayon lang ulit kayo nagkita ever since? Tsaka naka-move on ka na ba?" "Sobrang naka-move on na ako. Pero complicated lang kasi. Lately, kino-contact niya ako. Di ko alam kung anong pakay niya. Pero hindi ko siya sinasagot. Tapos na sa amin ang lahat at ayaw ko na siyang maging parte pa ng buhay ko. Kaya if ever mang lapitan ka o makita mo ulit yung gagong yun, lumayo ka agad sa kanya." Saad nito. Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Bakit naman ako lalapitan nun e hindi ko naman siya kilala?  Hindi na ako nagtanong pa and tumahimik na lamang. Ramdam ko kasi ang pag-iba ng mood niya mula ng makita niya ang ex niya. Kung kanina ay pala-tawa at maaliwalas ang mukha niya, ngayon naman ay sobrang seryoso nito na parang may kinikimkim na galit sa loob nito. Nakarating na kami pabalik sa hospital pagkatapos ng ilang minuto. Hininto niya ang kotse niya sa porte-cochère ng ospital.  "Thank you sa lunch ha. Una na ako." Tinapik ko ang kanan niya. Seryoso pa rin ang mukha niya.  "Okay sige. Pasok ka na." Nakangiti siya pero halatang pilit ang pagngiti nito. "Okay. Ingat ka!" Lumabas na ako ng kotse. Ng makalayo ng konti ay nilingon ko ito. Nakatingin ito sa akin at kumaway pa. Kumaway rin ako pabalik bago tuluyang pumasok sa entrance ng ospital. Sakto lang ang pagbalik ko sa trabaho. 12:58P.M. ng mag clock-in ako. Dumiretso na ako sa desk ko at tinapos ang mga paperwork. Medyo inaantok ako habang nagta-type, siguro dahil sa dami ng nakain ko kanina. Buwiset kasi yung si Baste. Lagay ng lagay ng pusit sa pinggan ko. Napakain tuloy ako ng marami. Bago pa ako antukin ng tuluyan, tumayo na ako at pinuntahan ang ibang pasyente na naka-assign sa akin ngayong araw na ito. Maayos namang natapos ang lahat. Umuwi na ako after ng trabaho.  Kumain lang ako ng caesar salad for dinner dahil medyo busog pa rin ako sa kinain naming lunch. Pagkatapos ay pinakain ko na si Bangky. Pinagbuksan ko ulit ito ng delata ng tuna. Kelangan bumawi lalo pa't iiwan ko ulit siya this weekend.  Inihanda ko na ang mga dadalhin ko para sa pagpunta kay Daddy bukas. Balak kong dumiretso na dun pagkatapos ng trabaho. Kinausap ko na si Alex at pumayag siyang i-check niya si Bangky bukas ng gabi at sa Sabado para siguraduhing may pagkain at tubig ito at para na rin malinisan ang kanyang litter box.  Mabilis naman natapos ang araw kinabukasan. Hindi masyado busy kaya pinayagan ako ng boss ko na umalis sa work ng mas maaga. Tinawagan ko na si Daddy at sinabihan siyang on the way na ako papunta roon. Kasamaang palad, medyo matindi ang traffic dahil maulan pa rin ngayon. Dahil matatagalan pa bago ako makarating sa Anilao, nagdrive thru na lang ako sa nadaanang Starbucks at umorder dito ng grande size ng Chai tea latte. "Bayaran ko na rin Miss yung order ng kasunod ko. Tapos pakisabi sa kanila to pay it forward." Sabi ko sa barista sa drive thru. Once a while ay ginagawa ko ito. Binabayaran ko ang bill ng kung sino mang nakasunod sa akin sa drive thru. My good deed for the day kumbaga. Sana lang hindi huminto sa kanila ang chain of blessings. Sana lang talaga ay gawin din nila ito sa iba.  Halos apat na oras ang inabot ng aking biyahe. Almost eight o'clock na ng makarating ako sa bahay ni Dad. "Hijo! Nakarating ka na pala. Kumain ka na ba?" Tanong ni Dad habang pababa siya ng hagdanan at nakita niya akong nakaupo sa sala. "Hi Dad! Hindi pa po. Kayo, kumain na ba kayo?" Balik kong tanong ko sa kanya pagkatapos ko siyang yakapin. Nakita ko rin si Manang na lumabas ng kusina kaya bumati na rin ako sa kaniya. "Hindi pa. Nagmeryenda kasi kami kanina ng hapon at medyo nabusog kami masyado kaya hinintay ka na lang namin for dinner." Sabi ni Dad. Inutusan niya si Manang na ilabas na ang niluto nilang hapunan. Pinagsaluhan namin ang niluto nilang halabos na hipon at ginisang munggo na may sotanghon. Sumabay na rin sina Manang at ang anak nitong si Carla sa amin sa hapag kainan. Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan pa kami sa sala habang nanonood ng TV. Kinuwento nila kung gaano kalakas ang hangin at ulan dito nung isang araw ng dumaan ang bagyong Tunying, na nawalan sila ng kuryente nung Miyerkules at kahapon lang ito bumalik at ang mga pinsalang nangyari dito sa bayan na ito. Luckily, walang nasira dito sa bahay at ligtas sila. Napag-usapan na namin ni Dad kahapon sa telepono na huwag na silang masyadong mag-abala sa paglilinis dahil tutulungan ko sila bukas ligpitin at ayusin ang mga naiwang kalat at sira ng bagyo. Maaga ako nagising kinabukasan. Katulad ng napag-usapan, isa-isa na naming nilinis ang mga kalat na iniwan ng bagyo pagkatapos mag-agahan. Walis dito, buhat dun. Ligpit dito, tambak dun. Paulit ulit hanggang maging maayos ang lahat. Nagpahinga kami para mag-meryenda at mananghalian pero bumalik din agad sa paglilinis pagkatapos kumain at magpahinga. Inako ko na ang mabibigat na buhatin at paglilinis. Ako na rin ang nag pressure wash ng semento na may natirang bahid ng putik. Minsan ay pinagpapahinga ko na rin si Dad pero matigas ang ulo kaya ayaw tumigil sa paglinis. Natapos naman namin lahat ng kailangan ayusin bago mag dapit hapon. Mabuti na lang at hindi umulan ngayong araw na ito kaya maayos namin nailigpit ang lahat. Umakyat na ako sa kuwarto at naglinis ng katawan pagkatapos.  Tiningnan ko ang aking phone at may mga mensahe pala ako galing kina Alex at Baste. Ina-update lang ako ni bestie sa kalagayan ni Bangky. Dumaan na pala siya sa bahay para i-check ito. Nag send pa siya ng picture ng pusa ko habang kumakain ito. Si Baste naman ay nagtatanong kung nag-lunch na ako. Late ko na nabasa. Ni-replyan ko na sila pareho.  "Dad, kelan kayo punta ng sementeryo para dalawin ang puntod nina Lolo at Lola?" Tanong ko kay Daddy habang naghahapunan kami at pinagsasaluhan ang lutong tinolang manok ni Manang.  "Sa Undas next weekend. Bakit mo natanong hijo?" Sagot ni Dad.  "Ah, kasi hindi ako makakapunta rito next weekend kaya siguro bukas ko na lang sila dadalawin." Sabi ko sa kanya. Nakaugalian na namin taon taon tuwing Undas na pumunta sa sementeryo para dalawin sila.  "Ganun ba? Samahan na kita bukas." Alok ni Dad.  "Okay po."  Maaga ako umakyat sa kuwarto ko at nakatulog agad ako. Marahil dahil sa pagod sa mga ginawa naming paglilinis kanina.  Halos alas nuwebe na ng magising ako. Gaya ng nakaugalian, dumiretso na ako sa banyo at naligo. Pagbaba ko ay nagbabasa ng diyaryo si Daddy sa sala.  "Good morning hijo! Napasarap yata tulog mo. Kain ka na ng breakfast. Nauna na kami kanina." Bati ni Dad.  "Oo nga Dad eh. Sarap matulog. Umulan ba kagabi?" Para kasing lumamig kagabi habang natutulog ako.  "Oo. Umulan ulit kagabi." Sambit niya. Dumiretso na ako sa kusina at kumuha ng pinggan at kutsara't tinidor. Nagtimpla na rin ako ng kape. Nagpunta na ako sa lamesa pagkatapos kung saan natatakpan ang aking agahan.  "Anong oras mo gusto pumunta sa sementeryo?" Tanong ni Dad ng lapitan ko ito sa sala pagkatapos ko kumain.  "After lunch na lang siguro. Tapos balik na rin ako ng Manila mamayang hapon." Sagot ko habang iniinom ko pa ang natirang kape ko.  "Ah okay. Simba na muna tayo ng alas onse tapos punta tayo ng sementeryo pagkatapos." Sabi ni Dad.  "Sige po." Pagsang-ayon ko sa kanya.  Nagkwentuhan kami tungkol sa trabaho namin. Pagkatapos ay umakyat na ulit ako sa kuwarto para maghanda sa pagsimba namin.  Nakahanda na si Daddy at sina Manang ng bumaba ako kaya nagpunta na kami ng simbahan gamit ang aking kotse. Ng matapos ang misa ay nagtungo kami sa Max's restaurant na malapit sa simbahan para rito mananghalian.  Humiwalay na sina Manang sa amin pagkatapos namin kumain. May dadaanan pa raw sila. Kami naman ni Dad ay nagpunta sa isang flower shop para bumili ng mga bulaklak na dadalhin namin sa sementeryo. Pumunta na kami sa musoleyo ng Olivarez family. Dito nakahimlay sina Lolo at Lola at ang dalawang kapatid ni Daddy. Inilagay namin ang mga bulaklak sa harapan ng puntod nila at sinindihan ang mga kandila.  Malaki ang mausoleum ng pamilya ni Dad. Una itong pinatayo nung namatay si Lolo. Tapos napagkasunduan ng magkakapatid nina Daddy na dito sila lahat ililibing. Meron silang binabayaran para maglinis at mag-alaga nito. Depende kung anong mangyari sa future pero malamang dito na rin ako ilibing.  Naalala ko pa na noong bata pa ako ay dito kami tumatambay ng mga pinsan ko tuwing araw ng mga patay. Dahil nakatira kami sa Quezon City noon, pupumunta kami rito at nagiging parang mini-reunion namin ito sa mga relatives namin na nandito pa sa Pilipinas. Dito kami sa sementeryo na ito kami nagtatakutan at nagtataguan.  "Siyanga pala, nagyayaya ang Tita Luz mo na dun tayo sa kanila mag-Pasko at mag-Bagong taon." Banggit ni Dad habang nakaupo kami sa loob ng musoleyo. Si Tita Luz ay nakatira sa Miami, Florida at siya ang pangalawa sa walong magkakapatid nina Daddy. Si Dad ay pangatlo.  "Okay lang sa akin. Kayo po bahala." Sagot ko rito. "Pinag-isipan ko na nga at siguro mainam nga na we spend time with them this year. Kasi medyo nagkakasakit na rin si Ate at hindi na ako bumabata. We don't know what will happen tomorrow kaya siguro habang may panahon pa, it'll be good to spend the holidays with the family." Saad nito. Ganun siguro talaga pag tumatanda na. Mas nagiging importante ang quality time with family more than anything else.  "Kelan niyo balak pumunta so I can ask for days off at para makabili na rin ng plane tickets?" Tanong ko sa kanya. Tingin ko naman ay papayagan ako ng boss ko dahil never pa akong nag-leave during that season. Lagi akong nagtratrabaho. "Christmas is on a Friday this year so siguro we can fly out early that week tapos balik after New Year." Sabi ni Dad.  "Sige. Mag-apply na ako ng leave bukas at bibili na rin ako ng plane tickets natin. I'll let you know tomorrow siguro." "Sure ka hijo? I can buy them for both of us." Umiiral na naman ang pagiging matigas ang ulo ni Daddy.  "Ano ka ba Dad? Ako na. Kaya ko naman. Huwag mo na intindihin yun. Ako na ang bahala." Sabi ko sa kanya.  "OK. Sige. Salamat hijo." Nakangiti niyang sabi sa akin. Nag-stay pa kami sa loob ng musoleyo ng siguro labinlimang minuto bago kami umalis at umuwi na sa bahay. "Dad, alis na po ako. Para na rin hindi ako ma-traffic." Sabi ko kay Dad pagkababa ko ng hagdan at bitbit ang aking bag. Alas tres y media na ngayon ng hapon. "Ah, oh sige hijo. Mag-iingat ka sa pagmamaneho. Siyanga pala, huwag mong kalimutang dalhin yung mga nilutong pagkain. Nasa ibabaw ng dining table." Sagot niya. Lagi talaga siyang nagpapabaon ng iba't ibang pagkain tuwing pumupunta ako rito. Kinuha ko na ang mga pagkain na tinutukoy niya. Busog pa ako ngayon. Kakatapos lang kasi namin mag-merienda ng ginataang bilo bilo kani-kanina lang. Naglakad na kami palabas ng bahay papunta sa aking kotse. Inilagay ko ang aking bag at ang mga pabaong pagkain sa backseat.  "Ingat ka hijo. I love you!" Sabi ni Dad habang nakayakap ito sa akin.  "Opo Dad. Ingat din kayo rito. Pag may kailangan kayo, tawagan niyo lang ako." Sabi ko bago ako tuluyang magpaalam. "Love you Dad!" Kumaway pa ako bago nag-drive palayo. Habang nasa SLEX ay tumawag si Alex. Mabilis ko itong sinagot. "Alex, napatawag ka. Is Bangky okay?" [Bestie, pauwi ka na ba? Saan ka na? Okay naman siya. Nood tayo ng sine tonight!] Jusko! Akala ko naman kung ano na. Sine lang pala.  "Okay. Sige. Anong movie at saan? Around six pa ako makakabalik diyan." Sabi ko rito. "Yung The Broken Hearts Gallery. Sa Gateway na lang tayo manood. Ako na ang bahala sa tickets. 7:30 okay?" Sumang-ayon na lang ako kahit wala akong idea kung tungkol saan yung movie na yun. Pero based on the title, mukhang kwentong makaka-relate ang mga bestfriends ko doon. Sinabihan ko na rin siyang yayain si Caleb na ginawa na pala niya.  Medyo matindi ang traffic kaya para hindi ma-late ay dumiretso na ako sa Gateway imbes na umuwi muna. Pagka-park ko ng kotse ay naisipan kong tumambay muna sa isang coffee shop dito sa mall since 6:45 P.M. pa lang naman. Nag-order lang ulit ako ng Chai tea latte at naghanap ng mauupuan after. Tinext ko na rin kina Alex at Caleb ang location ko. Kasalukuyan akong nagi-scroll sa social media ng biglang may nag pop na follow request sa aking i********:. Ng buksan ko ito ay nalamang galing pala ito kay Baste. Kinonfirm ko naman ang kanyang request at nag-follow back sa kanya. Kinonfirm rin naman agad niya ito.  "Excuse me bro. I am sorry to bother you. You're Theo, right?" Tumingala ako para tingnan ang lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon. Anong ginagawa nito rito? "I don't know if you recognize me but I am Eric, Sebastian's friend. Can I seat here?" Dagdag nito at itinuro ang bakanteng upuan sa tapat ko.  Tumango lang ako at umupo si Eric dito. Naalala ko ang sinabi ni Baste pagkatapos namin makita ang lalaking ito sa karinderya. Sinabi niya na if ever mang lapitan ako o makita ko ulit ang "gagong" ito, lumayo dapat agad ako sa kanya.  "May hinihintay ka ba?" Tanong nito. "Yes." Matipid kong sagot dito. "Ah ok. Kumusta kayo ni Baste? Are you guys boyfriends?" Nakangiting tanong nito sa akin.  Ang angas lang ng dating ng lalaking ito. Bakit hindi si Baste ang tanungin niya. Potek! Tama nga si Baste, hindi ito mapagkakatiwalaan. Eto ang sinasabi ng utak at ng aking guts. 99% of the time ay tama ang aking instinct sa mga taong nakikilala ko.  "I don't mean to be rude man pero kung ano man ang meron sa inyong dalawa ni Baste, I don't want to be part of it. And same thing kung ano man ang meron sa amin ni Baste, sa aming dalawa na lang iyon." Prangka kong sabi sa kanya.  "Hey! I don't know what you think of me but I don't mean anything bad." Saad nito habang nakataas ang dalawang niyang mga kamay sa ere. Yeah, right! "Why do you want to know if we're boy—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil in-interrupt ako ng lalaking nakatayo ngayon sa pagitan namin ni Eric. Nakita kong nasa likod nito sina Caleb at Alex. "Eric! Anong ginagawa mo rito?" Seryosong tanong ni Baste sa lalaking nakaupo sa harapan ko. Halata sa mukha ni Eric ang pagkagulat.  "I thought this is a public place. Hindi ko alam na bawal pala ako rito." Pilosopong sagot ni Eric.  "I told you we're done and please, for the nth time, STAY THE f**k AWAY FROM ME!!!" Umagaw ng atensyon ang malakas at matapang na boses ni Baste. Nakatingin ang halos lahat ng tao na narito sa loob ng coffee shop sa amin. Ramdam ko ang matinding tensyon sa pagitan ng dalawa. Lumapit sa amin ang dalawang lalaki na kasama ni Eric dati sa karinderya. Hindi ko napansin na narito rin pala ang mga ito. Nakasuot pa rin ang mga ito ng parehong itim na uniform. Bodyguards ba niya ang mga ito?  "Hey! Relax Baste! No need to shout." Kalmadong sabi ni Eric habang tumatayo. "Okay. I'll leave both of you alone. Sorry to bother you Theo. Enjoy the rest of your night!" Umalis na ito at lumabas ng coffee shop kasunod ang dalawang lalaki.  "Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Baste ng umupo ito sa tapat ko kung saan nakaupo kanina si Eric. "Oo naman. Ikaw, okay ka lang ba?" Balik kong tanong sa kanya. Tumango ito at seryoso pa rin ang mukha. "By the way, anong ginagawa mo rito?" "In-invite ako ni Alex na manood ng sine. Tapos sabi niya na andito ka raw kaya pinuntahan ka namin dito." Sagot nito. Nilipat ko ang tingin kay Alex. Hindi niya nabanggit na kasama namin ang lalaking ito sa panonood ng movie tonight. "Sino ba yung lalaking yun?" Sabat ni Alex sa aming pag-uusap. Nakaupo ito sa tabi ni Baste. "Ex ko. His name is Eric Ledesma. He's a congressman." Kaya pala medyo familiar ang mukha nung gagong yun. Politician pala. At kaya may mga bodyguards ito.  "Ah ok. Anyway, male-late na tayo sa sine. Tara na!" Pagyaya ni Alex. Tumayo na kami at umakyat sa taas kung saan naroroon ang mga sinehan. Bumili ng popcorn at drinks sina Alex at Caleb kaya naiwan kami ni Baste.  "Pasensya ka na kanina ha. Nadadamay ka pa. Ayaw kasi talaga ako tantanan ng gagong yun eh." Saad ni Baste. "Ayos lang. Wala yun. Kung may kailangan ka, andito lang ako. Kami." Sabi ko rito.  "Salamat!" Sagot nito. Bumalik na ang mga matalik kong kaibigan dala-dala ang dalawang malaking bucket ng popcorn at apat na drinks. Tinulungan na namin sila sa pagdala ng mga ito. Pumasok na rin kami sa sinehan at umupo sa aming assigned seats. Umupo si Caleb sa kanan ko habang si Baste naman ay sa aking kaliwa. Si Alex ay nasa kabila ni Caleb.  Ipinaubaya na nila sa amin ni Baste ang isang bucket ng popcorn at pinagsaluhan naman nila ang isa pang bucket.  Nag-umpisa na ang palabas at nakatutok ang aming atensyon dito. Tama nga ako. Makaka-relate ang dalawa kong bestfriends dito sa palabas. Patuloy kami ni Baste sa pagkain ng popcorn habang nakatingin sa big screen. Para lang nung nanood kami ng movie sa condo niya. Salitan kami ng pagkuha ng popcorn sa bucket. Minsan ay nagkakasabay kami sa pagdukot kaya nagtatama ang aming mga kamay. Bigla ko naman aalisin ang akin para magpaubaya sa kanya. Minsan ay siya naman ang nagpaparaya. Di kalaunan ay naubos na namin ito. Kinuha ni Baste ang bucket at inilagay niya ito sa sahig.  "Gusto mo?" Alok sa kin ni Caleb ng candies.  "No, thank you." Nasa kalagitnaan na ang pelikula ng maramdaman kong humilig si Baste sa akin at ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking kaliwang balikat. Hinayaan ko na lang siya. Nanatili ito sa posisyong ito hanggang natapos ang movie.  "Do you guys want to eat or have a drink?" Tanong ni Alex sa amin pagkalabas ng sinehan.  "No. Uwi na ako. May pasok pa ako bukas." Sagot ni Caleb. "Ako rin. Medyo napagod ako sa biyahe kanina eh." Sabi ko.  Tumingin siya kay Baste at sumagot lang ito ng "Same". "Okay. Sige." Naglakad na kaming apat papunta sa parking lot.  "I'll see you tomorrow. Text me before ka mag-lunch. Sabay na tayo." Sabi ni Caleb bago ito umalis papunta sa kanyang kotse. Patuloy naman kaming naglakad nina Alex at Baste. "Dito na ako. Thank you ulit Alex sa pag-invite ha. At pasensya ka na ulit Theo sa nangyari kanina. Ingat kayo!" Sambit ni Baste bago ito sumakay sa kanyang kotse.  Halos magkatabi lang pala ang kotse namin ni Alex. "Okay ka lang na talaga Bestie? Gusto mo ipabugbog natin si Congressman para wala ng manggugulo sa inyo ni loverboy?" Nakangiting sabi ni Alex. "Baliw! Wala naman sa akin yun. Nag-aalala lang ako kay Baste dahil mukha talagang hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon." Sagot ko rito. "Uy, concerned!" Panunukso ng kaibigan ko. "Ulol! Umalis ka na nga. Good night na! At thank you ulit sa pag check mo kay Bangky." Niyakap ko na siya at pinuntahan ko na ang aking kotse.  Nakauwi rin ako ng bahay pagkatapos ng tatlumpung minuto. Muli akong sinalubong ni Bangky. Nakipaglaro ako saglit dito pagkatapos kong ilagay sa refrigerator ang pabaong pagkain sa akin ni Daddy. Then, pinakain ko na siya at inasikaso ang kanyang bowls at litter box. Pagkatapos ay naligo na ako at humiga na sa kama.  "Tulog ka na?" Mensahe ni Baste habang nakahiga ako sa kama.  "Almost. Why?" Sagot ko rito.  "Wala lang. Pagod ka pa rin ba?" Tanong nito. "Medyo." "Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko eh. ☺️" Basa ko sa text message niya. Potek!  "Lol matulog ka na. Good night!" Text back ko. Inaantok na ako. "OK. Good night! See you in my dreams! " Hindi ko na siya sinagot at natulog na ako.  Itutuloy....  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD