Si Bangin ang naglinis ng buong katawan ko at siya na rin ang nagbihis sa akin. Hindi ako nakaramdam ng pagkailang sa kanya, nakabuo na nga kami ng bata maiilang pa ba ako? Nakatingin lang ako kay Bangin na seryosong nagpapalit ng benda sa mga sugat ko. Kahit blangko ang mukha niya ay nababasa ko sa mga mata niya na masaya siya sa ginagawa niya. I smiled genuinely. Maraming tanong pa rin ako sa mga nangyayari. Wala akong maiintindihan maski isa dahil naniniwala ako na si Tito lang ang makakasagot ng mga katanungan ko. Sa dami ng tanong sa utak ko ay hindi na ako mapakali pero kailangan ko pang maghintay na gumaling itong mga sugat ko. Tatlong araw pa ang lumipas bago naghilom ang mga sugat ko. Nagtataka nga ako eh kung bakit ang bilis gumaling ng mga sugat ko at isa pa wala man lang mak

