Chapter 18

608 Words
Dali-dali akong bumangon nang makaramdam ako ng pagsusuka kaya agad kong napatakbo sa banyo. Nanghihina akong napasandal sa dingding pagkatapos sumuka. Napahawak ako sa tiyan ko at hinimas. Dahan-dahan akong tumayo upang mag mouthwash pagkatapos kong sumuka. "Hindi siguro ako natunawan kagabi sa pizza." ani ko sa sarili pagkatapos nag mouthwash. Bumuga ako ng hangin at napailing. "Ayos ka lang, Maetot?" Napatingin ako sa pinto ng banyo at nakita kong nakatayo si Melay doon habang may pag-alalang tingin ang mukha sa akin. Dinaluhan niya ako at sinipat ang leeg ko. "Namumutla ka ah! Ayos ka lang ba talaga? " tanong niya ulit sakin na tinanguan ko naman. Napakunot-noo siya. "Sigurado ka ba? " "Oo nga." mahinang sagot ko. Kulit din ng isang 'to. Inaalalayan niya ako ngunit muntik na akong matumba dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Naagapan naman ako ni Melay at inalalayan niya ako palabas ng banyo upang makahiga sa kama. Pumikit ako nang makahiga at hinihilot ang sentido ko dahil sa hilo. Naramdaman kong umupo si Melay sa kama. "Ano ba nangyari sa'yo?" tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya at umiling. Damn! Tinatamad akong magsalita huhu di naman ako ganito dati. She sighed and kissed my temple pagkatapos ay tumayo. "Dalhan kita ng foods dito. Magpahinga ka lang." "Wag na. Buntis ka pa naman din." "Ano ka ba, hindi pa naman malaki ang tiyan ko kaya ayos lang." "Melay, naman!" "Oh, kung gusto mo tatawagan ko si Clifford." natahimik ako dahil gagawin talaga 'yan ni Melay. Ang pinakaayaw ko talaga sa ugali ng babaeng ito ay gagawin niya talaga ang gusto niyang gawin kahit tumutol ka pa kaya napatango nalang ako. Kung hindi lang talaga buntis ang babaeng 'to pinatapon ko na 'to sa bermuda triangle. She smiled, a triumphant one. Tsk! "Melay, tea please." "Sure." Paglabas ni Melay ay napabuga nalang ako ng hangin. I don't know what's happening to me talaga. Tinatamad ako at wala akong gana. I need to go outside pa naman para makita ng mga tao dito ang kagandahang taglay ko nang maging maganda naman ang araw nila. Tumagilid ako ng higa at tinitigan ang picture namin ni Bangin. I pouted. I miss him na! Hindi ko na ata kayang malayo sa kanya. Napakunot noo ako nang mapansin kong may tsaa na pala. Bumangon ako at kinuha ito. Smells good kaya napangiti ako. Ang nakapagtataka lang ay hindi pa naman bumalik si Melay at hindi rin ako nag request ni Malou kagabi. I gasped. Hindi kaya multo ang naghatid nito? Gaaash! Minumulto na 'ko! Sinapok ko ang ulo ko dahil sa naiisip kong katarantaduhan. Tinatakot ko lang sarili ko. Myghad! Ang dyosa ay hindi dapat matakot dahil nga sa dyosa ako. Yun na yun! Back to tea muna, I smelled it again and ang bongo tologo kaya I drink it agad-agad. "Hmm.. Sarap." sabi ko habang nakapikit. Feel na feel ko eh! Napadighay ako dahil nga sa sarap. Di lang masarap kundi nakakabusog din kaya bili na kayo! Tara na! Nilagay ko ang tasa sa side table nang makaramdam ako ng pamamanhid sa kamay kaya muntik ko nang mabitawan ang tasa buti na lang naagapan. Tinitigan ko ang mga kamay ko nang hindi ko ito maramdaman. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Nakaramdam na rin ako ng pagkahilo. Sinubukan kong tumayo upang tawagin si Melay pero hindi ko magalaw ang katawan. Di ko mapigilang maluha at binaling ang tingin ko sa tasa. Napasinghap ako nang nagblurred ang paningin ko at nakaramdam ng matinding hilo. Bago ako mawalan ng malay ay naaniag ko ang isang lalaking nakatayo sa balkonahe ng kwarto namin. "Bangin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD