"Waah! Nasaan na ba kasi ang lipstick ko?" sabi ko habang mangiyak-ngiya kakahanap sa lipstick ko.
Kanina pa ako naghalughog sa kwarto ko upang makita ang Maybelline lipstick ko ngunit ni anino nito ay di ko makita. Nilabas ko lahat ang laman ng aking bag. Iniopen ang mga cabinets baka nandun lang pati tokador ko di pinalampas pero why?! Why can't I find that thing?!
Di pa nga kami umaalis ni Tito papuntang Crenon upang hanapin si Alex ay naloka na ang aking pretty gorgeous wonderful face ko dahil sa stress sa kahahanap ng walangyang lipstick ko.
Lipstick, where art thou?
"Mae, hija rea-anong nangyari? Ba't ang gulo?" napatigil ako sa paghahanap nang marinig ko si Tito.
Gumapang ako palabas sa ilalim ng kama habang bitbit ang flashlight.
"Anong nangyari? Ba't nasa ilalim ka ng kama mo? " he asked me.
I just pouted my kissable lips at nagpapadyak ng paa.
Feel ko magpacute ngayon- ay di pala ako cute kasi maganda ako!
"Tito, you know what? Malapit na ako mamamatay!"
"Ano?!"
"Yes tito, malapit na ako mamamatay, madeads, madedo, matigok." sabi ko habang tumatango. Kumuha ako ng tissue na nasa gilid ng kama at siningahan ito.
"Pa-paano? B-bakit? Wala ka namang sakit, diba?" naguguluhang tanong nito but I just whinned.
"Kasi Tito I have a sakit in my heart na. As in now na."
"Huh? Heart? Te-teka kukunin ko lang ang susi ng sasakyan upang madala kita sa hospital." sabi ni Tito at naghahanda na sana palabas sa aking kwarto.
"Doctor? No, it's not like that,Tito."
"Huh? Ano ba kasing sakit sa puso 'yan?"
"BHFTL" nakapout kong sagot.
"May ganung klase bang sakit sa puso?" tanong nito sa sarili na narinig ko naman na ikinatango ko nang mabilis.
"Yes, Tito."
"Ano ba meaning niyan, hija?" tanong ni Tito at nilapitan ang mga damit ko na nagkakalat sa saang sulok ng kwarto at iniisa-isa itong kinuha.
"Broken hearted for the lipstick." sagot ko habang umupo sa kama at sinusuri ang aking mukha sa compact mirror.
Laking gulat ko nang makita ko ang aking mukha na so oily na kaya napatili nalang ako ng wala sa oras.
"Jusko! Are you going to kill me dahil sa gulat Mae?!" tanong ni Tito sa'kin habang hawak nito ang dibdib. Nabitawan niya tuloy ang aking mga damit na hawak niya kanina.
"Tito, nagulat ba kita?" I innocently asked him ngunit kinunutan lang ako nito noo but I just shrugged.
Tumayo ako at kinuha ang polbo ko na nasa ilalim ng aking study table. I don't know kung pano napadpad ito sa ilalim ng mesa. Naglalakad siguro.
Lol! Tanga lang ang maniniwala sakin pag ganun.
Napailing nalang ako sa aking iniisip.
"Oh, ayan! Maayos na ulit ang mga gamit mo. Buti nalang di burara si Alex kagaya mo." sabi ni Tito habang umiiling na nakaupo sa aking kama.
Nagpapadyak ako ng aking paa nang makaharap ko ito.
"Tito, I'm not burara kaya. It's just like my lipstick is not around. Hinahanap ko lang. Di kasi nagpaalam ang bagay na yun na may lakad siya di sana nagkakalat ang kwarto ko." sabi ko while pouting.
Napailing nalang ito at tumayo.
"Sige nalang. Mag ready ka na kasi any minute from now ay aalis na tayo patungong Crenon."
"K. Dot." sagot ko nalang habang nakasimangot.
Lumabas naman si Tito sa kwarto kaya I returned my atensyon sa salamin. Napasimangot nalang ako nang lipstick nalang ang kulang sa aking mukha. I frowned because of that thought.
Mayamaya pa ay ngumiti ako. Why? Because ang dyosa ay bawal sumimangot baka kasi ma ugly. Ayaw ko kaya mangyari yun.
I flipped my hair, smiled and pose sa harap ng salamin.
And ganda ko talaga.
Siniksik ko ang aking dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng aking jeans. I bend and pouted my lips.
Pak! Kahit anong angle I 'm still pretty kaya tinigil ko na ang aking pag modelling churva at napatigil nang may nakapa ako sa aking bulsa. Dali-dali ko namang hinugot ito and agad ako napapoker face.
"Wengya! Nandito ka lang pala. Halos maloka na ang beauty ko kakahanap sayo." I murmured before rolling my eyes at nilagyan na ng lipstick ang aking kissable lips.
Nang okay na ay I flipped my hair and winked sa salamin.
Gosh! Why am I so pretty?
I smiled widely and kinuha agad ang aking duffel bag na nasa ibabaw ng aking pink na bed. Lumabas agad ako sa kwarto at nagmamadaling bumaba.
Nang makababa na ako ay I saw my Tito na kalalabas pa lang sa kusina na may bitbit na ice bucket and medium size cooler.
"Andyan ka na pala. Come on, aalis na tayo." sabi ni Tito. Tumango ako at agad sumunod sa kanya.
Nang makalabas na kami ay nasa harap na ang kotse. Agad naman pinasok ni Tito ang mga dala niya kaya ganun narin ang aking ginawa.
Nang okay na ay papasok na sana ako sa loob ngunit napatigil ako ng I feel someone na nanunuod sa'kin o sa'min.
Tsk. Hirap talaga pag maganda ang daming stalker na nakamasid. Oh, well bayaan na nga. Yan ang one of my duties na to spread my gorgeous face sa madla. Sharing is good kaya.
Nakangisi akong pumasok sa loob ng kotse. Mayamaya pa ay pumasok na rin si Tito at pinaandar na ang sasakyan.
Habang binabaktas na namin ang highway patungong Crenon ay tumunog bigla ang aking tiyan. I heard Tito chuckled and I just pouted.
Why? Ngayon lang ba nakakakita si Tito na may dyosang nagugutom?
"May sandwich diyan sa ice bucket, hija. Kunin mo nalang." aniya habang nakangiti. I pouted at sinunod ang utos niya. Nang makuha ko na ay tinanggal ko agad ito sa tissue na naka wrap nito.
"Ikaw, Tito?" I asked my Tito ngunit umiling lang ito.
"Mamaya na, hija, di pa naman ako gutom."
Tumango nalang ako at nilantakan agad ang sandwich. Nang maubos na ay kumuha ako ulit because nakulangan pa ako.
Mamaya ko nalang isipin ang diet kasi mahirap tanggihan ang sandwich na ito lalo na't peanut butter ang palaman.
"I wonder how's Alex, Tito." ani ko nang nalunok ko na ang sandwich. Tito sighed and gazed at me.
"I don't know, anak. Sobrang nag-alala na ako sa batang 'yon."
"Ano ba kasing naisip ng babaeng 'yon at naging MIA?" sabi ko at sinubo ang kalahati ng sandwich.Ngunit biglang nag brake si Tito kaya agad akong nabilaukan. Dali-dali kong kinuha ang tubig na nasa cooler at uminom agad.
"Tito? Why did you stop?" tanong ko kay Tito but he never answered me. Nanatiling nasa harap ang atensyon nito.
"Tito?" I called him again pero isnob talaga ang beauty ko. Naku! Kung 'di ko lang mahal 'tong Tito ko kanina ko pa siya tinapon sa Mars. Na hahaggard na kaya ang beauty ko. Tsk.
I called him once more ngunit deadma talaga ang beauty ko kaya nakasimangot kong sinundan ang kanyang paningin.
Napasinghap ako nangg major-major nang I saw big black creepy dogs na nakaangil sa'min habang may tumutulong laway. Ew! Gross!
"Tito, ba't may mga aso? " tanong ko kay Tito.
"They are not dogs anak, they are wolves." sagot niya. Kaya naparoll eyes nalang ako. Good thing na naisipan na ni Tito na sagutin ang tanong ko.
"Talaga? I thought they live in a colder place, Tito."
"Some of them." sagot nito habang nanatili pa rin ang kanyang atensyon sa mga lobo.
May itatanong pa sana ako nang biglang umalog ang sasakyan. Napatili ako nang nasa ibabaw pala ng kotse ang lobo.
"Tito they are going to eat us!" tili ko kay Tito but he just shrugged.
What? Nag eexpect pa naman sana ako na babarilin ni Tito ang mga lobong nasa harap at nasa ibabaw dahil may mga baril naman ito but he just shrugged.
"Tito, gusto mo na bang ma deads?!" natatarantang tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
Napatili na naman ako nang biglang nahulog ang lobo sa harapan ng kotse. Nanlaki ang aking cute na mga mata nang makitang may kabuno pala itong Grey wolf.
Mas lalo akong nawindang na may mga iba't-ibang klaseng lobo na palang nag aaway sa aming harapan.
What happened? Bakit may mga lobong may light color na dumadating?
With that thought ay nandilim agad ang aking paningin but before I've close my eyes, I've heard Tito said.
"We're safe now, hija."