Lumabas ako ng cubicle at dumiretso sa glass vessel dito sa restroom, para maghugas ng aking kamay. Halos hindi man lang sila umusod kahit na nahaharangan na nila ang gripo. They also didn't stop talking. Nagpatuyo ako ng basang kamay habang tinitignan ang aking sarili sa mirror, pagkatapos ay umalis na ako. Kunwari wala akong pakialam sa kanila, pero ang totoo ay kanina pa ako napapaisip tungkol sa kanilang pinag-uusapan na para bang may kasamang parinig. Sana nga mali ako at napapraning lang. Lumapit ako kay Kevin at agad umabrisyete sa kaniyang braso. Sinulyapan niya ako saglit, bago binalik ang kaniyang tingin sa kausap. Hinapit niya ang aking bewang upang idikit pa ako lalo sa kaniyang katawan. Hindi nagtagal nagpaalam na din ang kaniyang kausap. Lalapitan daw niya ang isang

