Alas-siete na ng gabi at kagigising ko lang. Maghapon akong natulog. Nagtuloy-tuloy ang tulog ko. Siguro nagbabawi sa mga ilang gabi na halos wala akong tulog dahil sa pagpunta ko sa ospital ng madaling araw para makasama si Rehan. Babalik pa sana ako sa pagtulog nang maalala ko na wala pa akong kain. Kinapa ko ang aking celphone sa tabi ko. Napakunot ang aking noo nang makita ang ilang misscalls at text messages ni Kevin. "Thank you for unblocking me." 'Yan ang unang mensahe niya after trying to call me several times. Tulog ako kaya hindi ko nagawang sagutin ang tawag niya. "Kinukulit ako ni Rehan na tawagan ka." "He said he miss you." 'Yan ang pangatlo at huling mensahe niya. Tapos ang last call niya ay ten minutes ago. Nagtipa ako agad ng mensahe. "Kumusta si Rehan?" tanong

