Emergency Leave

2226 Words
JC's POV Bigla na lang may tumawag sa akin mula Manila, hindi naman ang parents ko sa Bulacan. Nang kausapin ko, si Tito Faustino ko pala na kapatid ni Mommy. Ibinalita sa akin na nakauwi na ang pinsan kong si Dale. Grabe nagulat ako kasabay ng galak sa kaibuturan ng aking puso dahil buhay siya. Kailangan ko makauwi sabik akong makita ang pinsan ko. Magbakasyon muna ako para makadalo sa selebrasyon ng pagbabalik ng aming mahal na pinsan. Gagawa ako ng sulat para sa emergency leave ko. Kailangan ko ring makausap si Lando, isa sa mga tauhan ko. Pagkatapos ko maipasa ang emergency leave ko, masaya ako dahil na aproved naman agad. Salamat sa aming pinuno dahil pinakinggan ang hinaing ko. Naiintindihan ako dahil alam naman nila na kagagaling ko pa lang ng disgrasya. Dahil naipasa ko kay Lando ang pag-escort sa mga gaganaping misyon, kailangan ko ng makagayak. Habang hinihintay ang aking flight pa Manila, naglibot pa ako dito sa Airport para makabili ng pasalubong. Didiretso ako sa mansiyon ng Del Monte. Tinawagan ko ang magulang ko para sumunod duon para makaattend ng "Thanksgiving Party" ni Dale. Oras na pala umakyat sa eroplano, agad ko hinila ang aking trolley bag para makaupo na sa upuan ko. Pagkatapos ng halos isang oras, nakarating na ako dito sa Manila. Pumara na ako ng taxi patungo sa mansiyon. Habang lulan ako ng taxi tumawag ako kay Dale na parating ako sa mansiyon. Sumagot naman sa akin na na nakauwi na sila galing ng Nueva Ecija. Sayang at di ako nakasama sa bakasyon nila duon di bale susulitin ko naman sa pagdalo ng party ni pinsan. Marami pang araw na pwede kami magbakasyon. Nasa harap ako ng mansiyon, naghihintay na mabuksan ang malaking gate. Sa wakas lumabas ang aking pinsan na si Dale. " Bro, kumusta? Tumakbo ako at yumakap sa pinsan ko. "Nakita mo naman Bro, guwapo pa rin tayo", pagmamayabang nito s akin. "Ah,oo bro matagal na natin alam iyan", sagot ko naman habang papasok kami sa pintuan. Bumungad sa akin sila Tito at Tita, nakipagyakapan ako sa kanila at beso-beso kay Tita. Pinaupo nila ako at pinagmiryenda. Tamang kwentuhan,kumustahan at tawanan ang bumalot sa sala ng Del Monte. Hindi pa namin kasama si AJ na pinsan ko dahil nagpapahinga pa ito sa isang guest's room dito. Pagkatapos namin nagmiryenda hinatid na ako sa may kwarto kung saan ako magpapahinga. Sa kwarto rin kung nasaan si AJ na natutulog. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura saka ako pumasok. Inilagay ang aking trolley bag sa gilid ng kama. Nagbihis muna ako sa banyo ng short at t-shirt para komportable. Tulog pa rin ang pinsan ko na si AJ kanina pa ako nakakapaglikha ng ingay ah. Umupo muna ako sa swivel chair, kinuha ang cellphone ko saka nagtipa. Dahil di ko na mahintay na magising ang pinsan ko,tinapik ko ito sa kanyang mukha. Nagising siya, siyempre sobrang saya ng makita ako kasama si Dale na pangalawang beses na siyang pumasok sa kwarto kaya nung hindi matiis,tumalon na sa kama. Habang ako tinapik lang siya sa mukha. Pagkatapos ng kumustahan naunang lumabas si Dale. Ako naman tumabi kay AJ ngunit bumangon at lumipat sa swivel chair. Habang kausap ako ni AJ, bumigat ang talukap ng aking mga mata. Halos di ko na marinig ang kanyang sinasabi. Hanggang sa wala na akong naririnig, naging tahimik na ang kwarto. Tuluyan na akong nakatulog at nakarating sa mundo ng panaginip. Nakapagpahinga ako sa pamamagitan ng tulog. Presko na naman ang isip at katawan, busog pati ang tiyan. Dahan-dahan akong bumangon dahil naramdaman ko na mainit ang likod ko kahit may electric fan naman. Naupo ako ng maayos sa may couch duon ko naalala na nakatulog na pala kami sa gazebo. Ang sarap pa ng tulog ang dalawa kong pinsan na nakanganga pa. Nang mahimasmasan,tumayo ako at nagtungo sa may tabi ng swimming pool. Umupo ako sa gilid at hinayaan kong nakalubog ang dalawa kong paa hanggang tuhod. Pinakiramdaman ko ang tubig kung maligamham dahil tinutulak ako ng katawan ko na maligo. Ayos, tama lang ang temperature ng tubig. Bigla kong inalis ang aking T-shirt at sumulong sa tubig. Nagdive ako papunta sa malalim na parte ng swimming pool. Sumisid ako at nanatili sa ilalim ng limang minuto. Paglitaw ko sa tubig, nakita ko sa gazebo na ginigising na ang dalawa kong pinsan ni Tita Carmela. Naupo naman ang dalawa na tila pa naalimpungatan. Napalingon sa gawi ko ang dalawa ng marinig ang tilamsik ng tubig. Ngumisi ako sa dalawa, tila nabuhay naman ang kanilang dugo ng makita ako. Nakigaya naman sila kaya tatlo na kami ngayong naghaharutan sa swimming pool. Tiningnan ko ang relong-pambisig ko at alas-kuwatro na pala. Iniisip ko pa lang ang magulang ko kung anong oras makakarating ay parang nagkakagulo na sa loob ng bahay. Nasa loob na pala sila dahil nakita kong lumabas si Mommy sa may kusina na nakikita sa pool. "Mommy, andito kami", sigaw ko at iwinagayway ang aking kamay. Ngumiti ang Mommy ko ng makilala ang boses ko. Lumapit siya sa aming tatlo at nag-unahan kaming nagmano kay Mommy. Hindi ako pwede yumakap dahil basa ang katawan ko. Nagpaalam na papasok na siya sa loob ng bahay. Lumabas si Manang Delia, inayos ang gazebo pati na rin ang mga lamesa. Umahon ako sa pool, isinuot ang T-shirt ko saka ako tumulong sa kanya. Inaya ko ang mga pinsan ko kaya napadali ang trabaho. Pumasok naman si Manang sa may kuwarto na nakahilera sa shower room, paglabas nito may dala ng mga tuwalya. Pagkatapos naming magpasalamat kay Manang Belia,pumasok muli sa loob. Nagbalot naman kami ng tuwalya sa may bewang dahil basa ang mga shorts namin. Nagsuot na rin ng T-shirts ang dalawa kong pinsan. Biglang lumabas ang buong pamilya dala-dala ang mga pagkain. Lumabas ang mga prinsesa si Sophia na asawa ni Dale, at si Bea na kapatid niya. Natuwa si Bea ng makita ako at nagbeso-beso pa kami. Yumakap ako kay Daddy ng makita ko at halik sa Mommy ko. Masaya kaming nghapunan bagama't hindi kami kumpleto pero nandito kami para makipagsaya sa pinsan namin. Pagkatapos naming kumain, kanya-kanya kami ng grupo, kaming tatlo pa rin ang magkakasama, ibang grupo ang mga magulang namin kasama si Sophia at Bea. Naglalaro kami sa may Billiards habang nagkukuwentuhan. Pustahan at tuksuhan ang ginagawa namin. Buti nakasarado ang pinto hindi maririnig sa labas ang malalakas naming sigawan. "Mga pinsan kailan ba kayo pupunta rito na may mga dala kayong girlfriends? biglang pagtatanong ng pinsan naming si Dale. "Malapit na Bro huwag kang mag-alala", malakas ang loob na pagkasabi ni AJ. "Akala mo naman seryoso", panunukso ko kay AJ. "Eh ikaw Bro,kailan ka ba magdadala ng babaeng papakasalan mo?", pabalik na tanong niya s akin. "Alam mo naman Bro ang trabaho ko", asik ko sa kanya. "Hindi iyan ang dahilan Bro", sagot ni AJ. "Ah kayong dalawa bilisan ninyo patanda na kayo hanggang ngayon ganyan pa rin litanya niyo", diretsong linya ni Dale. "Naku Bro malaman mo na lang meron na", pagmamayabang ko. Bigla na lang nagsitawanan ang dalawa, nakigaya na lang ako para walang pahiyaan. Pagkatapos naming naglaro, nanunod naman kami ng basketball. Lumabas muna si Dale para icheck ang kanyang asawa. Pagbalik nito may dala na siyang alak, sa ikalawang pagkakataon naglasing kami bilang bonding naming magpipinsan. Pumunta naman si Manang Delia duon sa kwarto kung saan kami nagkakasiyahan, nagdala ng mga sapin at kumot kasama mga unan. Alam ko bilin ni Tita sigurado dito na naman namin itutulog ang kalasingan namin. Mas maganda na para hindi kami makaistorbo baka mamaya malublob pa kami sa aquarium ni Tito palabas dito. Parang swimming pool pa naman ang style, may isda at pagong pa na lumalangoy. Tumagay kami ng tumagay, hindi kami madaling malasing dahil sanay na ang katawan namin sa alak. Kapag out of duty ako umiinom ng marami dahil bawal sa kampo. Kaya ngayon lubus-lubosin ko na. Nag-awitan pa kami nagkarerahan sa pataasan ng score sa videoke. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nakatulog na ako. Nagising ako na kami na lang ni AJ ang naiwan. Ginising ko na rin ito para sabay na kami magtungo sa guest room para maglinis ng katawan. Malinis na ang mga pinag-inuman namin. Sabado ngayon, lumabas ang mag-asawa para icheck ang venue kung ready na lahat para bukas para sa Thanksgiving Party ng Del Monte. Dahil may basket ball court sa likod ng bahay, naglaro kami ni AJ habang ang mga magulang namin panay kwentuhan. Sabagay ngayon lang ulit magkita-kita kaya lubusan na. Pagkatapos namin maglaro sa basket ball, table tennis ang sumunod at ang pinakahuli ang football. Linggo ng gabi, ito na ang pinakahihintay ng buong pamilya. Malalapit na kamag-anak ang mga dumalo at malalapit na mga kaibigan. Umiikot ang mga magulang namin para magpasalamat sa mga nagsipagdalo. Narito rin ang iba naming barkada at tropa na kinabibilangan naming tatlo. Ilang sandali pa at nagsimula na ang party. Pinangunahan ang talumpati ni Tito Faustino, sumunod naman ang basbas ng Pastor. Ang pinakahighlight ang pagsasalita ng pinsan namin. Lahat ng tao nagsigawan dahil sa tagumpay na nakauwi at buhay ito. Lahat kami itinaas namin ang kopita na may laman na alak. Nang matapos ang salitang cheers, sabay-sabay namin ininom ang laman ng kopita. May mga presentasyon na ginanap gaya ng pagsayaw at pagkanta. Pagkatapos ng panalangin sa pagkain, nagsikuhanan na kami para kumain. Magkakatabi ang mga lamesa namin nila Dale, pati mga magulang namin kaso busy din sila sa mga bisita. Nakita kong may mga bisita na dumating si Sophia pero isa lang ang kapansin-pansin ang galing sa abroad. Ewan ko lang kung napansin ni AJ, mahilig sa chicks. Busy naman ako sa pakikipag-usap sa mga dati naming barkada. Napuno ng kasiyahan ang programa ng gabing ito. Lahat ay nabigyan ng pagkakataon para makita ang angkan pati mga kaibigan na matagal na hindi nakakausap at nakikita. Dahil sa tama ng alak naming magpinsan sumunod na rin kami ni Dale pag-uwi sa mansiyon nila. Nauna pa kami kaysa sa matatanda di bale uuwi rin naman sila sa mansiyon bukas pa ang alsa balutan. Pagkarating ng mansiyon, diretso na sa guest room para matulog. Inalis ko ang sapatos kasama ang suits ko. Di ko na alintana ang pinsan ko. Dumapa ako sa kama para makatulog na. Kinabukasan, pagkatapos ng breakfast nagsiayusan na kami ng gamit. Sabay-sabay kami nagpaalam para makauwi na. Nauna kaming umalis ng magulang ko. Ako ang nagmaneho sa sasakyan na dala ng magulang ko. Pauwi kami ng Bulacan, isang linggo ang bakasyon ko meron pang tatlong araw para makapagpahinga. Makalipas ng dalawang oras na biyahe, nakarating na kami. Bitbit ang gamit ko dumiretso na ako sa aking kwarto. Ako lang ang narito na anak ng magulang ko nasa abroad ang mga kapatid ko. Magpapahinga muna ako bago ako makibonding sa magulang ko. Pagkagising ko naamoy ko ang masarap na luto ni Mommy. Basta umuuwi ako nagluluto si Mommy ng mga paborito ko. Lumabas na ako ng kwarto para kumain. Nadatnan ko sa lamesa ang magulang ko. Nagmano ako sa kanilang dalawa at sumabay na sa pagkain.Tahimik na sana pero nagulat ako ng magsalita si Daddy. Hindi na bago sa akin ang kanyang katanungan. "Hijo, kailan ka mag-aasawa? Patanda na kami ng patanda ng Mommy mo kailangan muna namin makita ang babae na mapapangasawa mo bagobpa namin lisanin ang mundo", mahabang salaysay ni Daddy. "Oo nga naman anak", sabat naman ni Mommy. "Malapit na Daddy at Mommy makikilala ninyo siya", nag-aalinlangan kong sagot sa kanila. Sapat na iyon para hindi na ako kulitin ang dalawa. Iniba ko ang usapan. Kinumusta ko ang kanilang kalagayan ganundin ang kanilang kalusugan. Gusto ko mamasyal sa Farm na ipinaalam ko kay Daddy. Sasama raw sila para makalanghap ng sariwang hangin. Isa pa anihan na ng palay, prutas at gulay kaya kailangan ng monitor sa mga manggagawa at para sa kanilang sahod. Bandang alas-tres na kami nakarating sa Farm. Inabutan namin ang mga mangagawa na may kanya-kanyang ginagawa. Si Manong Rodrigo Malanta ang katiwala ni Daddy dito. Kasama namin siya ngayon na umiikot dito sa palayan. Masaya ang mga manggagawa na nakatanggap ng kanilang sahod kasama ang kanilang mga bigas at mga ibang gamit pangkusina. Naglagay naman si Manong Rod ng mga prutas at gulay sa sasakyan. Pagkatapos ng pag-ikot namin, nagpamiryenda muna si Aling Pacita ang asawa ni kuya Rod ng mga bagong ani na prutas gaya ng saging na nilaga at mais. Naghanda rin ng kape dahil malamig ang panahon. mPagkatapos namin nagmiryenda nagtungo na kami sa bahay sa gitna ng bukid. May bahay na pinatayo dito ni Daddy nasa tuktok ito na bahagi ng bukirin. Pagkababa ng sasakyan,tinulungan ko si Daddy na ibaba ang kailangan para sa loob ng bahay dahil mananatili muna kami dito ng dalawang araw. Pagkatapos ng ginawa namin nagtungo ako sa terrace. Pinagmasdan ko ang kapaligiran, sampung hektarya na masagana. Isa ito sa nagsusupply ng mga bigas sa Manila at nag-eexport sa ibang bansa dito sa ASIA. Kung sa siyudad ay sa swimming pool nakalagay ang duyan, mero kami dito sa terrace sa ikalawang palapag. Nahiga ako sa duyan habang ninamnam ang simoy ng hangin na nanggaling sa mayayabong na punong-kahoy na mas mataas pa kaysa sa bahay. Naghahanda na ang magulang ko ng panggabihan dahil sa mga kalansing ng kubyertos. Bigla na lang silang sumulpot dito sa kinaroroonan ko tangay ang tray ng mga pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD