Ang lahat ay gagawin natin para sa mga taong gusto nating gumaling. Luluhod at magmamakaawa sa Diyos na patawarin ang ating mga kasalanan at pagalingin ang ating mahal sa buhay. Taimtim at buo ang pusong magdarasal at tatawag sa ating Ama. At iyan ang kasalukuyang ginagawa ni Samara ng mga oras na iyon. Gaano katagal na nga ba mula nang huli siyang nanalangin at kinausap ang panginoon? Ah, tama. Noong mga panahong gusto niyang iligtas siya nito. Noong panahong halos lumuha na siga ng dugo sa paghingi ng awa nito na tulungan siya. Ang mga magulang niya ay hindi niya kailanman nakitang nanalangin at nagsimba. Lumaki siya sa lugar kung saan tila iniasa na lahat sa panginoon ang mga problema at kapalaran nila. Naniniwala si Samara na may Diyos ngunit hindi ba siya maaaring magalit at mag

