*Patricia's Pov* "Kamusta yung exam?" tanong ni Dave at umupo siya sa tabi ko. "Okay lang. Nasagutan ko naman ang test paper ko. Ikaw kamusta exam?" pabalik na tanong ko sakanya "Ayun sisisiw lang. Hehehe" "Ang yabang naten aa" biro ko sakanya. Nakita ko naman siyang ngumiti at tumingin sakin "Nag bibiro lang ako no. Gusto ko lang kasi makita kang nakangiti eh. Kinakabahan ka ba sa magiging resulta ng exam?" tumango lang ako sakanya bilang sagot "Wag kang mag alala nag aral kaya tayo ng mabuti kaya sigurado ako na makakapasa tayong dalawa" "Pero pano kung mali pala ang akala mo. Pano kung isa lang satin ang nakapasa?" kinakabahan kasi talaga ako sa magiging resulta ng exam namin. Iba kasi yung exam namin ni Dave sa ibang estudyante dito. Mas mahirap yung samin. Kasi kapag nakapasa k

