Dumating ang araw ng Biyernes. Halos maayos na ang lahat sa café—nakakabit na ang signage, naka-display na ang shelves sa boutique side, at naka-test run na ang espresso machine. Amoy pintura pa nang kaunti, pero may halo na ring amoy ng kape. Sa canteen ng university, magkatabi sina Shine at Jiro habang nanananghalian. “Ready ka na?” tanong ni Jiro, tinutusok ang pagkain pero halatang may iniisip. “Ready na,” sagot ni Shine. “Tomorrow’s the day.” Sandali silang nagkatinginan bago tumango pareho. Napagdesisyunan nilang imbitahan na ang barkada para bukas—pero hindi pa rin nila sasabihin kung para saan. “Surprise pa rin?” tanong ni Shine. “Surprise,” sagot ni Jiro. “Sabihin lang natin may pupuntahan tayo.” papunta sila Kevin at ang iba pa dala ang tray nila at lumapit sa mesa nila

