Sa gitna ng kasiyahan, biglang humina ang tugtog ng musika. Isa sa mga professor ang umakyat sa maliit na entablado sa unahan, hawak ang mikropono. “Good evening, everyone,” masigla nitong bati. “Bago tayo tuluyang mag-enjoy sa gabi, nais muna naming tawagin ang isa sa mga taong naging malaking bahagi kung bakit naganap ang event na ito.” Nagkaroon ng bahagyang bulungan sa paligid. “Nais naming pasalamatan ang pamilya na nag-sponsor ng ating acquaintance party ngayong gabi. Jiro, maaari ka bang umakyat dito?” Agad napalingon ang maraming mata sa mesa ng grupo. Bahagyang natigilan si Jiro, ngunit mabilis ding tumayo. Tinapik siya ni Kevin sa balikat. “Moment mo na, bro.” “Go,” mahinang sabi ni Shine, may ngiting puno ng suporta. Naglakad si Jiro papunta sa entablado, tuwid ang tindig

