EPISODE 38

1867 Words

Araw ng Sabado. Napagkasunduan nina Jiro at Shine na ngayon sila mag-iikot para humanap ng pwesto para sa café at boutique. Maaga pa lang ay gising na si Shine. Nag-ayos siya ng dining area, tinulungan ang kusina sa paghahanda ng almusal, at inayos ang ilang gamit sa sala. “Ang aga mo naman iha” nakangiting sabi ni manang. “ aalis po kasi kami ngayon ni jiro at mas masarap umalis kapag may nagawa na.” Pagkatapos maligo at mag-ayos—simpleng blouse at maong lang, pero maaliwalas ang dating—dumiretso siya sa hallway papunta sa kwarto ni Jiro. Katok. Katok. Katok. Medyo malakas. “Jiro! Gising na!” Ilang segundo ang lumipas bago may marinig na kaluskos sa loob. Pagbukas ng pinto, pupungas-pungas na bumungad si Jiro—magulo ang buhok at wala pang suot na pang-itaas. Natigilan si Shine.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD