Sumapit ang Linggo na hindi na pang-pahinga. Maaga pa lang, gising na sina Jiro at Shine. Nasa dining table ang laptop, mga sample tiles, paint swatches, at naka-print na floor plan ng pwesto. “Kung kaya natin ng one month, mas maaga tayong makakapag-soft opening,” sabi ni Jiro habang nagha-highlight ng timeline. “Pero realistic tayo,” sagot ni Shine. “Permits pa lang, baka umabot ng dalawang linggo.” Hindi sila nagmamadali nang padalos-dalos—nagpaplano sila nang maigi. Sunday pero parang weekday ang vibe. – 8AM: Meeting with contractor – 10AM: Canvas ng café equipment – 1PM: Branding discussion (logo, menu board concept) – 4PM: Boutique layout planning “Hindi na ’to chill weekend,” biro ni Jiro. “CEO life,” sagot ni Shine pero nakangiti. Pagdating ng contractor sa mansion, ser

