Jiro's POV
Hindi ko alam kung kailan nagsimula.
Hindi ko rin alam kung bakit sa dami ng taong nakapaligid sa akin...
Siya ang napansin ko.
Si Shine Valencia.
Ang tahimik na dalagang halos hindi mo maririnig magsalita maliban na lang kung kakausapin mo.
Hindi siya katulad ng ibang babae sa paaralan namin.
Hindi siya nagpapapansin.
Hindi rin siya sumasali sa mga usong grupo.
Tahimik lang siyang pumapasok, nag-aaral, at umuuwi.
Pero pagdating sa bahay...
Ibang Shine ang nakikita ko.
Masipag.
Responsable.
At laging inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya.
Minsan nga, napapaisip ako kung napapagod pa ba ang babaeng iyon.
Kahit ilang beses nang sinasabi nina Mom at Dad na magpahinga siya, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho.
Parang natatakot siyang maging pabigat.
At iyon ang ayaw na ayaw kong maramdaman niya.
Kanina...
Nakita ko siyang naglilinis ng library.
Malinis na nga iyon.
Pero pinupunasan pa rin niya isa-isa ang mga libro.
Kaya naisipan ko siyang gulatin.
Hindi ko inaasahang halos mabitawan niya ang hawak na libro sa sobrang gulat.
Napatawa na lang ako.
Pero habang pinagmamasdan ko siyang nakasimangot sa akin...
Hindi ko napigilang mapangiti.
Mas bagay pala sa kanya ang ngumiti kaysa laging seryoso.
"Ano'ng tinitingin-tingin mo diyan?" kunot-noong tanong niya.
Napakurap ako.
"Wala."
"Sinungaling. Kanina ka pa nakatitig."
Napakamot ako sa batok.
"Iniisip ko lang..."
"Ano?"
"Mas maganda ka palang ngumiti."
Bigla siyang natigilan.
Namula ang magkabilang pisngi niya.
"J-Jiro!"
Napatawa ako.
"Ano? Totoo naman."
"Bola."
Napailing siya bago muling inayos ang mga librong hawak.
Tahimik akong tumulong sa kanya.
Hindi na kami nagsalita.
Pero sapat na ang katahimikang iyon.
Kinabukasan, gaya ng nakagawian, sabay-sabay kaming nag-aalmusal nina Mom at Dad sa malaking hapag-kainan.
Tahimik ang umaga.
Paminsan-minsan lang maririnig ang tunog ng kubyertos at ang mahinang usapan namin.
Habang umiinom ng kape si Dad, napatingin siya sa akin.
"Anak," tawag niya.
"Po, Dad?"
"Magpapahatid ka ba ngayon o dadalhin mo na lang ang isa sa mga sasakyan papuntang school?"
Nilapag ko ang hawak kong baso bago sumagot.
"Magdadala na lang po ako ng sasakyan."
Saglit akong tumingin sa hagdan bago muling humarap sa kanila.
"Isasabay ko na rin po si Shine."
Napangiti si Mom.
''nakapag ayos na ba sya?''
Tumango ako.
"Pakisabihan n'yo na lang po siya."
"Bakit?" natatawang tanong ni Dad.
"Sa inyo lang po kasi siya nakikinig."
Napailing ako habang napapangiti.
"Ayaw na naman niyang sumabay sa akin."
"Kesyo baka kung ano na naman ang sabihin ng mga schoolmates namin."
"Eh pareho lang naman kaming estudyante."
Napabuntong-hininga si Mom.
"Anak..."
"Minsan intindihin mo rin si Shine."
"Alam mo namang maraming mapanghusga."
Tumango ako.
"Naiintindihan ko naman po."
"Kaya nga hindi ko na siya pinipilit."
"Pero minsan..."
Napakamot ako sa batok.
"Parang unfair lang."
Nagkatinginan sina Mom at Dad.
Hindi lingid sa kanila ang madalas kong pag-aalala kay Shine.
Matagal na nila iyong napapansin.
Pero ni minsan...
Hindi nila ako tinanong.
Hinayaan lang nila akong unawain ang sarili kong nararamdaman.
Ilang minuto pa ang lumipas.
Narinig namin ang mahinang yabag mula sa hagdan.
Napalingon kaming tatlo.
Naroon si Shine.
Simple lang ang suot niyang school uniform.
May backpack sa balikat at nakapusod ang mahaba niyang buhok.
Kagaya ng dati...
Simple.
Pero maganda.
"Good morning po."
Magalang siyang yumuko.
Napangiti si Mom.
"Good morning, hija."
"Nakapag-almusal ka na ba?"
"Opo, Ma'am."
"Kasabay ko po sina Manang Ines."
"Mauna na po sana akong pumasok."
Tumango si Mom bago ngumiti.
"Iha..."
"Sumabay ka na kay Jiro."
"dadalhin nya Ang isa sa Sasakyan."
"Sayang ang pamasahe."
Napatingin siya sa akin.
Halata ang pag-aalangan.
Nginitian ko siya.
"Oo nga."
"Iisa lang naman ang pupuntahan natin."
"Sabay na tayo."
Tahimik siya sandali.
Pagkatapos ay tumango rin.
"Sige po."
Napangiti sina Mom at Dad.
"Mom, Dad, una na po kami."
"Baka ma-late pa kami."
"Sige, mag-iingat kayo."
"Opo."
Magkasabay kaming lumabas ng mansion.
Habang naglalakad papuntang garahe, napansin kong tahimik siya.
Kaya napangiti ako.
"Hoy."
Napatingin siya.
"Alam ko ang iniisip mo."
"Huh?"
"Tatakasan mo na naman ako."
Agad siyang napailing.
"Hoy!"
"Hindi ah."
"Bakit naman kita tatakasan?"
Sinulyapan niya ako bago napangiti.
"Sinabi na nga nina Mommy at Daddy mo na sumabay ako."
"Isa pa..."
"Pabor din naman sa akin."
"Nakatipid na ako sa pamasahe."
"Less hassle pa."
Natawa ako.
"Ah, talaga ba?"
Tumango siya.
"Bakit?"
"Napansin ko kasi..."
Mas lalo siyang napatingin sa akin.
"Mas madalas kang nauunang pumasok."
"At minsan..."
"Maaga ka ring umuuwi."
"Parang iniiwasan mo na ako."
"Dating hindi ka naman ganyan."
"May nangyari ba?"
Napabuntong-hininga siya.
"Wala naman."
"Ang totoo..."
Nag-atubili pa siyang magsalita.
"May ilang admirer mo ang nagagalit sa akin."
Napakunot-noo ako.
"Bakit?"
"Dahil lagi raw tayong magkasama."
"Kung makabakod daw ako sa'yo..."
"Parang pagmamay-ari daw kita."
Hindi ko napigilang matawa.
"Hayaan mo sila."
"Importante ba sila?"
Umiling siya.
"hindi."
"Eh 'di huwag mo silang isipin."
"Ang importante..."
"Sabay tayong papasok."
Napailing na lang siya.
"Ang kulit mo talaga."
"Tara na."
Pagdating sa garahe, awtomatikong napangiti si Shine nang makita ang sasakyang gagamitin namin.
"Wow..."
"Porsche?"
Napatawa ako.
"Oo."
"regalo ng Dad ko 'yan."
"Ikaw na talaga."
"Rich kid."
Natatawa niyang sabi.
Napailing ako.
"Hindi naman."
"Sakay na."
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa Buenavista Academy.
Pagkapasok pa lang namin sa campus ay agad kaming binati ng guard.
"Magandang umaga, Young Master."
Ngumiti ako.
"Magandang umaga rin po, Manong."
Ngumiti rin si Shine.
"Good morning po."
Pagkatapos maipark ang sasakyan, sabay kaming naglakad papunta sa aming building.
Pareho kaming kumukuha ng Bachelor of Fine Arts, habang kabilang din kami sa isang espesyal na International Specialized Business Program, isang programang limitado lamang sa piling estudyante ng unibersidad.
Habang papalapit kami sa classroom, sinalubong agad kami ng barkada namin.
"Hoy!"
"Musta ang weekend?" bungad agad ni Kevin.
"As usual."
"Bahay lang."
Sagot ko.
Agad kong kinuha ang bag ni Shine.
"Ako na."
Napailing siya.
"Kaya ko."
"Alam ko."
"Pero gentleman ako."
Bago pa siya makatanggi, ipinaghila ko na siya ng upuan.
"Uy!"
Sabay-sabay na sigaw nina Kevin, Mark, Rence, Paulo, at Mira.
"Ang gentleman naman!"
Napakamot ako sa batok.
"Drama niyo."
Hindi pa rin sila tumigil.
"Alam mo, Jiro," natatawang sabi ni Mira.
"Kung hindi lang namin kayo kilala..."
"Iisipin talaga naming mag-jowa na kayo."
"Oo nga."
"Swerte ng magiging girlfriend mo."
"Nasa'yo na ang lahat."
Dagdag ni Rence.
Napangiti lang ako.
"Wala pa sa isip ko ang love life."
"Graduate muna."
Kunwari akong kalmado.
Pero ang totoo...
Kinakabahan akong baka may makahalata.
Lalo na't ang babaeng lihim kong hinahangaan...
Ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ko.
At walang kaalam-alam...
Na matagal nang siya ang laman ng puso ko.
May ilang taon pa kami sa college. Hindi kailangang magmadali. Iyon ang lagi kong ipinapaalala sa sarili ko. Kung talagang para sa akin ang nararamdaman ko, darating din ang tamang panahon. Sa ngayon, sapat na sa akin ang makasama siya araw-araw, makita ang mga simpleng ngiti niya, at siguraduhing ayos lang siya. Ayokong madaliin ang isang bagay na alam kong dapat kusang mangyari. Mas pipiliin kong manatili muna sa tabi niya bilang matalik na kaibigan, kaysa ipagsapalaran ang samahang meron kami. Darating din ang araw na sasabihin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman—pero hindi ngayon. Sa ngayon, hahayaan ko munang ang panahon ang gumawa ng paraan.
"Pero seryoso, Jiro..."
Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Kevin.
"May napupusuan ka na ba?"
Bigla akong natigilan.
Halos mabitawan ko ang hawak kong ballpen.
Tahimik akong napatingin sa kanya bago napalingon kay Shine.
Abala itong kinakausap si Mira at walang kamalay-malay sa usapan namin.
Hindi ako agad nakasagot.
Paano ko sasabihin...
Na matagal nang may laman ang puso ko?
Na simula pa noong tumira siya sa mansion namin...
Unti-unti na siyang naging espesyal sa akin.
Noong una, awa lang ang naramdaman ko.
Nakita ko kung gaano siya kasipag.
Kung paano niya pinapahalagahan ang bawat tulong na ibinibigay nina Mom at Dad.
Pero habang tumatagal...
Hindi ko na lang siya hinahangaan.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong hinihintay siyang sabay kaming kumain.
Hinahanap kapag hindi ko nakikita sa bahay.
At napapangiti sa tuwing naririnig ko ang tawa niya.
Hindi ko alam kung kailan eksaktong nangyari.
Ang alam ko lang...
Isang araw, napagtanto kong iba na ang t***k ng puso ko kapag siya ang kaharap.
Pero hindi ko iyon pwedeng sabihin.
Kaya ngumiti na lang ako.
"Wala pa," maikli kong sagot.
Agad namang natawa si Kevin.
"Weh? Hindi kami naniniwala!"
"Oo nga," sabat ni Mira. "Sa gwapo mong 'yan, imposibleng walang may gusto o wala kang gusto."
Napakamot lang ako sa batok.
"Busy pa tayo sa pag-aaral."
"Ayun na naman!" reklamo ni Kevin. "Lagi mo na lang dahilan ang pag-aaral."
Napatawa ang buong grupo.
Ako naman...
Palihim na napatingin ulit kay Shine.
Habang masayang nakikipagkwentuhan ito sa mga kaibigan namin.
Kung alam mo lang...
Ikaw ang sagot sa tanong nila.
At ikaw rin ang dahilan kung bakit hindi ko kayang tumingin sa iba.