Pagdating ni Jiro sa malaking mansion, agad na naging mapanuri ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang bawat sulok, sabik na hinahanap kung nasaan si Shine, subalit hindi niya ito namataan kahit na kaunting oras lamang. Parehong hindi pumasok sa university kaya maghapon nya itong di nakita, bukod sa wala silang mahalagang klase o activity sa araw na iyon, may inutos pa ang kanyang ama kay Jiro na naging dahilan kaya buong araw siyang wala sa bahay, abala sa mga bagay na inatas sa kanya. Nakakatulong din iyon upang unti-unti niyang matutunan ang pamamahala sa kanilang mga negosyo, dahil syempre, siya lang ang natatanging tagapagmana ng pamilya, kapagkat nag-iisa siyang anak at hindi lihim sa lahat na malaki ang responsibilidad na nakaatang sa kanya.
Habang naglalakad siya sa loob ng mansion, nasalubong niya ang kasambahay nilang si manang at agad siyang nagtanong, “Manang, napansin niyo ho ba si Shine, alam niyo ho ba kung nasaan siya?” Napalingon sa kanya ang matanda at sinagot siya, “Ah, baka nasa laundry area iho, sabi niya kanina tutulong siya maglaba.” Nakakunot-noo siyang napatingin kay manang, litong-lito sa narinig. “As in manang, pati yun ginagawa niya? Hindi ko alam na pati yun, akala ko tumutulong lang siya sa inyo sa paglilinis ng bahay. Dun pa lang ubos na oras niya.” Sagot niya habang kumakamot sa ulo, hindi makapaniwala. Natawa si manang, “Hay naku, all around ang batang yun, kahit hindi mo utusan, kusa siyang gumagawa ng trabaho.”
“Ganun po ba, hindi ko alam na pati yun ginagawa ni Shine, ang alam ko lang talaga tumutulong siya sainyo maglinis ng buong bahay, dun palang ubos na oras niya eh,” dagdag pa rin ni Jiro, patuloy na nagtataka at aliw na aliw. Napailing si manang, “Hay naku, bata ka, ikaw nga hindi na rin tumitigil dito sa bahay, laging tumutulong sa ama mo kahit estudyante ka pa, si Shine pa kaya? O siya, maiwan na muna kita at may inutos sakin ang iyong ina. Kung si Shine ang sadya mo, puntahan mo siya sa laundry area.” Iniwan na siya ng matanda, kaya dumeretso si Jiro patungo sa laundry area, balak lang sanang Makita at makausap si Shine kahit saglit bago siya tumuloy sa kanyang silid. Habang papalapit, dahan-dahan siyang naglakad, umaasang magugulat at masusurpresa si Shine, pero siya ang nagulat nang makita niyang hawak nito ang kanyang underwear at isinasampay.
Bigla siyang napasigaw, “Holy s**t!” at agaran niyang inagaw ang kanyang underwear mula kay Shine. Natigilan si Shine at muntik nang madulas, buti nalang mabilis ang reflexes nito at nabalanse ang sarili, nahawakan din ni Jiro kaya hindi siya bumagsak. “Shuta ka, ano ba problema mo? Bakit ka ba nanggugulat na naman?” sermon ni Shine, sabay masungit at masama ang tingin kay Jiro. “Nagtatanong ka pa kung ano ang problema? Bakit mo hawak tong brief ko?” tanong ni Jiro habang mahigpit na hawak ang kanyang brief, kapansin-pansin ang kanyang pamumula.
“Leche ka Jiro, malamang nilabhan, basa kaya sinasampay ko. Ano bang klaseng tanong yan, tanga lang!” sagot ni Shine na naiirita na, kita ang pagkapikon niya dahil naabala siya ni Jiro sa ginagawa. “Akin na nga yan at ng matapos na ako, abala ka Jiro,” nakasimangot na wika ni Shine habang pilit kinukuha muli ang brief. “No, hindi pwede. Bakit ikaw ang naglalaba ng brief ko? Pwede naman sila manang, bakit ikaw pa,” saad ni Jiro, namumula at halatang nahihiya, hindi lang niya masabi ang totoo—na nagkakaroon siya ng pagkailang kapag nahahawakan ni Shine ang pinaka-personal niyang gamit.
“Lintik ka, ang arte mo naman! Bakit ba big deal sayo, your highness, ang pag-laba ko ng brief mo?” tugon ni Shine, hindi talaga maintindihan ang problema ni Jiro. Sa kanya, natural lang ang lahat dahil kasambahay siya, normal lang na magkusa sa gawaing bahay, lalo na sa paglalaba.
Dahil sa ingay ng dalawa sa laundry area, napasugod ang ina ni Jiro na may kasama pang ibang kasambahay, nag-usisa sa kaguluhan. Nakita nilang hawak ni Jiro ang isang palanggana na puno ng mga underwear. “Bakit, pag ako ba ang humawak sa panty at bra mo, papayag ka ba?” biglang tanong ni Jiro, pilit na hinahanap ng rason kung bakit ayaw niyang hawakan ni Shine ang brief niya. “Leche, bakit ko ipapahawak sayo yung mga yun? Privacy ko yun!” sagot ni Shine, halatang naiinis at gusto nang bigwasan si Jiro. “Kita mo, same lang sakin,” pangangatwiran ni Jiro.
Pilit pa rin tinutuloy ni Jiro ang pakikipagtalo, “Isa pa Jiro, kuha mo na talaga ang inis ko!! Hindi tayo pareho kasi trabaho ko na ayusin at linisin ang mga gamit mo! Kuha mo?” gigil na gigil si Shine na tila may balak nang bigwasan si Jiro. Samantala, tuluyan nang nag-usiyoso ang ina ni jiro, kasabay na rin ng ibang kasambahay. “Ano ba ‘yan, parang nagdedebate na kayo diyan?” tanong ng ginang.
“Pano kasi mommy, bakit naman siya ang pinaglalaba nyo ng brief ko?” reklamo ni Jiro. Dun na napagtanto ng ginang ang dahilan ng komosyon. “Eh señora, natural lang naman yun, amo ko kayo,” sabad ni Shine, tila hindi talaga maunawaan ang pinanggagalingan ni Jiro. Natawa ang ginang at ang mga kasambahay, dahil alam nila ang ibig iparating ni Jiro—may pagtingin siya kay Shine, kaya naiilang siya.
Sumingit si May, isang kasambahay, “Young master, hindi naman si Shine ang naglaba ng mga yan, ako po talaga, tinulungan nya lang po ako isampay at kumuha lang ako ng meryenda sa kusina,” malinaw niyang paliwanag. “Oh iho, hindi naman pala si Shine naglaba ng mga yan, kaya wag ka nang mabahala,” pakiusap ng ina.
“Kahit na mommy, bawal pa rin nyang hawakan ang mga brief ko!” matigas pa rin si Jiro sa pakikipagtalo, halatang hindi kumportable, lalo na’t may espesyal siyang pagtingin kay Shine. “Hep, wag ka na sumagot Shine, wag ka na makipagtalo, basta ayoko, period!” pigil ni Jiro, at nagpaubaya nalang si Shine at umingos nalang ito. Tumalikod si Jiro, dala-dala pa rin ang palanggana ng kanyang mga undergarments, sobrang nahihiya sa harap ng mga kasambahay.
“Señora, saan kaya dadalhin ni young master ang mga yun?” tanong ni manang, nanonood habang umaalis si Jiro na dala ang planggana na naglalaman ng mga brief nito. “Naku, hayaan nyo na ang batang yun, baka siya na ang magsasampay,” tugon ng matanda. Nilingon ng ginang si Shine na tila nagtataka sa inasal ni Jiro, sabay ngiti ang ginang. “Naku iha, pagpasensyahan mo na yang kaibigan mo, binata at dalaga na kasi kayo kaya nahihiya na yun,” pahayag ng ginang, sabay haplos pa sa pisngi ni Shine. “Eh tita, wala naman po sakin yun, maarte lang talaga si Jiro,” sagot ni Shine sa may-ari ng bahay, sanay na siya sa ugali ng binata.
“O siya, maiwan ko na muna kayo diyan, may aasikasuhin pa ako sa loob,” paalam ng ginang, kasunod naman ang mga kasambahay na nagbalik na sa kanilang gawain at naiwan sina Shine at May sa laundry area. Pabirong siniko ni May si Shine, kaya napatingin siya dito at nagtaka. “Ikaw ha, kuhang-kuha mo emosyon ni young master, hiyang-hiya siya kanina, nakita mo naman namumula ang tenga,” sabay ngiting pilya ni May. “Hay naku, ewan ko sa kanya, ganun na lang siya makareact,” sagot ng iiling-iling na si Shine.
“Leche ka Shine, manhid mo talaga, malamang dalaga at binata kayo!” biglang hirit ni May, sabay mulagat ang mata. “Ikaw, ang talino mo sa academics pero ang hina mo sa mga ganitong usapin, tsk. Nahihiya yun kasi sagwa nga naman tingnan, di naman kayo magjowa o mag-asawa tapos nahahawakan mo underwear nya,” paliwanag pa ni May sa kanya. “Tara na, tapusin na natin ‘yan,” sabay turo sa naudlot nilang sinasampay.
“Ganun ba yun, dapat jowa muna o asawa bago mahawakan o labhan underwear nya?” kunot-noong tanong ni Shine, ramdam ang pagkalito sa mga bagay na hindi niya pinapansin noon. “OA masyado,” dagdag pa niya, napapailing na lang, habang pinanumbalik ang atensyon sa pagtapos ng kanilang sinasampay sa laundry area. Sa kabila ng lahat ng iyon, tuloy pa rin ang kanilang araw.