Sa kabilang dako, nagkaroon ng pagkakataon na muling magkita sina Miel at Gavin matapos ang mahabang panahon hindi nagkita. Matagal na rin ang lumipas simula nang lumuwas si Miel patungong Maynila, at ngayon ay marunong na siyang magdrive, dahilan upang magdesisyon siyang mag-apply sa mismong amo ni Gavin namasukan cya bilang driver. Samantala sa tanggapan ng amo, habang nag-uusap si Gavin at ang kanyang amo tungkol sa mga gawain, siya namang pagdating ni Miel na ikinabigla ng dalawa sa muli nilang pagkikita hindi makapaniwala si Gavin na muli pa silang magkikita ng kaibigan na matagal na niyang hindi nakakasama. Lubos ang gulat at tuwa sa kanilang mga mata. Sa sandaling iyon, napansin ng don ang presensya ni Miel at agad siyang binati ng, "Oh Miel, andito ka na pala," na may pagkamangha sa tinig. Kaagad ding ipinakilala ng don si Miel kay Gavin, “Gavin, ito nga pala ang bagong driver ni Samantha.” Tumango si Gavin bilang paggalang, ngunit nagbigay siya ng paliwanag sa kanilang amo, “Ahm boss, ang totoo po nyan, magkakilala po kami ni Miel. Di lang po kami magkakilala, magkaibigan din po mula high school pa.” Ikinatango lamang ng don ang paliwanag ni Gavin, at sinabi, “A ganun ba, maigi naman at magkakasundo pala agad kayo. Halina kayo sa opisina ko at doon natin ipagpatuloy ang ating pag-uusap.”
Naglakad patungo sa opisina ang kanilang amo, nauuna sa dalawa habang magkasabay na sumunod sina Gavin at Miel. Ngunit bago pa sila tuluyang makapasok, sinalubong sila ng sekretarya ng don. Hindi maikakaila ang tingin ng babae kay Gavin na puno ng paghanga, may ngiti at may lihim na pagtingin na kitang-kita ni Miel. Napailing-iling si Miel sa tagpo, nag-isip ng, “Hay naku, di pa rin nagbabago tsssk,” sa kanyang isipan. Napatingin naman si Gavin kay Miel na para bang sinasabi na wala lang iyon. “Ah sir, may kailangan po ba kayo?” tanong ng sekretarya sa amo nila. “Ipagtimpla mo na lang kami ng kape, Ms. Nikki,” utos ng don na tila walang kaalam-alam sa nangyayaring tensyon sa paligid. “Masusunod po,” sagot ng sekretarya, at sa huling sulyap kay Gavin ay may pilyong ngiti at kindat, na hindi naman nakaligtas sa mapanuring mata ni Miel. Siniko ni Miel si Gavin at bumulong, “Pare, ano yun, girlfriend mo ba yun?” usisa niya. Tumugon si Gavin ng pilyong iiling-iling, “Pare, ano ka ba? Wala pa sa isip ko yan, wag madumi ang isip ha,” mariing pagtanggi ni Gavin na hindi kumbinsido si Miel; talagang naniniwala pa rin siyang may namamagitan. “Ano yun, kalandian lang, lagkit ng tinginan nyo, pre... wag ako,” dagdag pa ni Miel na bahagyang umingos.
Biglang nagtanong ang boss, “Saan na nga pala tayo natapos sa pag-uusap kanina?” sabay silang nanahimik at napatingin dito. “Dun po sa sinabi nyong ako ang bagong magiging driver ng unica iha nyo,” sagot ni Miel sa mahinang tinig. “Ah yes, oo nga pala,” tugon ng boss nila na waring nakalimot sa pinag-uusapang usapin. “Ikaw ang magiging personal driver nya ngayon, Miel; kung sakaling may nagawang di maganda ang anak ko, agad mong sasabihin sakin. May katigasan kasi ng ulo ang batang yun. Lumaki sa ibang bansa at lumaking spoiled kaya pagpasensyahan mo na rin minsan,” paliwanag ng matandang don na agad namang sinang-ayunan ni Gavin dahil alam niya na mahirap pakisamahan si Samantha, ang unica hija ng amo. “At Gavin, sasamahan mo pa rin minsan si Samantha, alam mo naman na ikaw ang paboritong tao nun,” paalala ng don kay Gavin na napakamot na lang sa ulo, dahil kahit tumanggi siya, wala rin namang magagawa, sapagkat AMO niya ang gumagawa ng desisyon, at sa ayaw o gusto ni Gavin, siya pa rin ang masusunod.
Biglang bumukas ang pinto ng opisina, isang bagay na ikinagulat ng tatlo. “Ano ba naman yan, Samantha, di ka ba marunong kumatok at magdahan-dahan man lang, iha?” tanong ng don sa anak na waring masakit ang ulo sa ugali ng dalaga. Walang pakialam na lumapit ang anak, sabay halik sa pisngi ng ama na tila ba cool na cool at walang narinig na sermon ng ama. “Dad, I'm in a rush kasi, pwede ko bang mahiram si Gavin?” tanong ni Samantha sa ama, hindi pansin ang dalawang lalaki na nakatingin sa kanya, hanggang sa may kumatok ulit at umagaw ng kanilang pansin. "Come in," wika ng don. Dun lang na-realize ni Samantha na may kasama pala ang ama; nang makita niya na isa pala dun ay si Gavin, agad lumapad ang ngiti niya, hindi na niya pinansin ang isa pa, si Miel, dahil hindi niya ito kilala, ngunit napansin niya na may dating din naman ito kahit hindi kasing gwapo ni Gavin.
Pumasok ang secretarya dala ang tray ng kape, agad naman tinulungan ni Gavin si Nikki, na ikinasimangot ni Samantha ngunit ikinatuwa naman ng sekretarya. “Here's your coffee, sir,” saad ni Nikki. “Salamat Nikki,” ani ng don, “makakaalis ka na,” dagdag ni Samantha na ikinagulat ni Nikki. Iiling-iling na lang ang tatlong lalaki sa naging asal ni Samantha. “Bad mood ka yata, Sam?” tanong ni Gavin. “Ang landi kasi nung babaeng yun,” inis na sagot nito. “Iha, yang bibig mo,” saway ng don. “What dad? Nagsasabi lang ako ng totoo; ang landi ng secretarya mo,” asik ni Samantha. “Masyado kang judgemental, iha. Walang ginagawa yung tao sayo at nagtatrabaho cya ng maayos,” paliwanag ng ama na di alam na naiinis at nagseselos si Samantha sa nakita niyang pagtulong at ngitian nina Gavin at Nikki. Samantalang si Miel ay nanatili lamang na kalmado at tahimik sa gilid.
“Maiba ako, ano nga pala yung sinasabi mo kaninang sadya mo?” usisa ng ama sa anak, na biglang nag-iba ang aura. “Ahm, sabi ko dad, pwede bang mahiram si Gavin?” bulong ng anak na may paglalambing. “Ano na naman ang kailangan mo kay Gavin, iha?” kunot-noong tanong ng ama. “Kasi dad, pupunta kami ni Saab sa university, remember?” paalala nito. “Eh bakit si Gavin na naman ang aabalahin mo, eh may nirurush yata siya?” sabay tingin ng mag-ama kay Gavin na naghihintay ng sagot. Si Gavin naman, napakamot sa ulo, di alam kung paano tatanggi dahil ayaw niyang mapalapit kay Samantha. Hindi dahil ayaw niya sa dalaga, kundi gusto lang niyang makaiwas sa tukso at komplikasyon na hindi makabubuti sa kanya. “Ahm boss, Samantha, pasensya na, may kailangan kasi akong tapusing sasakyan sa Tayler, alam nyo naman na bigatin ang may ari nun, boss,” paliwanag ni Gavin na mistulang humihingi ng saklolo. “Sino ba ang bigatin mong kliyente at di mo yata matanggihan, babae ba yan?” usisa ni Samantha, na parang pag-aari niya si Gavin. “Hindi, Sam, pero mahalaga siya. Si don Ramon Buenavista lang naman, isa sa pinaka tanyag na negosyante sa bansa,” tugon ni Gavin na nagpapakumbaba. “You mean ang may ari ng university na gusto kong pasukan?” tanong ni Samantha na dilat na dilat ang mata sa labis na gulat. “Oo, siya nga,” pag-kumpirma ni Gavin, na lalong nagpasidhi sa pagkagulat at excitement ni Samantha.