I made time for myself. After a month ng pagbabalik ko galing France ay pumunta ako sa lugar nila Nanang, kasama ko si Timothy na walang nagawa sa aking kagustuhan. Panay ang buntong-hininga niya habang tahimik na nagmamaneho ng kanyang sasakyan. "Sasaglit lang naman tayo, na-miss ko na kasi si Nanang." "Walang naman akong sinabi na ayaw ko." Muli kaming naging legal sa aming pamilya, na kagaya ng dati. Wala naman silang tutol dito. Masaya rin sila na nagawa pa naming dugtungan ni Timothy ang naputol naming relasyon noon kahit na maraming taon na ang lumipas. Naniniwala silang nakatadhana kaming dalawa. "E bakit nakasimangot ka?" "Ang init lang ng panahon." Hindi pa sumisikat ang araw kanina nang dumaan kami sa vineyard, kumuha ng ilang kilong ubas na aking pasalubong sa kanila. H

