Mahirap iwanan ang isang lugar at panahong naging bahagi na ng pang araw-araw nating buhay. Subalit minsan kailangan nating umalis sa lugar at panahong iyon, upang patuloy tayong umusad patungo sa pagbuo at pagtupad ng ating mga munting pangarap. Ngunit, paano nga ba magpaalam sa isang lugar o panahong ayaw mo pang iwanan? For example nalang ay ang aming highschool life na magkakaibigan. Malamig ang buga ng aircon pero parang hindi nito mapapakalma ang aming emosyon na bahagyang nagbabaga. Nagbabaga sa panghihinayang ng mga oras na sa amin ay lumipas. "I always thought you were the best," simula sa unang lyrics ng kanta ni Ruth, malamig at buo ang kanyang tinig. "I guess I always will..." Huling linggo na ng February, and before we say goodbye to this month ay nagpasya kaming lahat

