THIRD PERSON POV
"Sigurado ka na ba sa gusto mong gawin na ito, Heaven? Pinag-isipan mo na ba ito ng sampung beses? Ipapaalala ko lang sa ‘yo ha, anak mo ang batang ‘yan. Tsk. Ikaw naman kasi, para kang baliw. Ang sabi mo, hahanapin mo lang yung lalaking naka One-night-stand mo 3 years ago, para ipaalam sa kanya na nabuntis ka niya at may anak kayong dalawa. Ang pakay mo sa kaniya, humingi ng sustento, girl. Pera ang sinadya mo sa kanya, at hindi ang… sperm ng lalaking ‘yon! Kita mo, sa halip na makaahon ka sa kahirapan, lalo mo lang nilubog ang sarili mo dahil nagpabuntis ka ulit sa estranghero na lalaking ‘yon, my ghad!”
Namumula ang mukha sa inis na sermon ng kaibigan ni heaven sa kagagahang ginawa niya. Yes, she describe herself as ‘Gaga’ at ‘baliw’. Wala naman kasing matinong babae ang gagawa ng kabaliwan na ginawa niya sa kanyang buhay. She went to a bar to loosen up her broken hearted heart from her cheater boyfriend and her anaconda bestfriend!
Natuklasan niya na matagal na siyang niloloko at ginagago ng mga ito behind her back. Kaya naman, nadala siya sa bugso ng kanyang damdamin. Nagpakalasing siya at basta na lang humalik ng gwapong lalaki na nakita niya doon sa bar.
Isang gabi siyang nagpaka-wild para gamutin ang wasak at sugatang puso. Ngunit, hindi naman niya sukat akalain. Ang isang gabi na pag papaka-wild niya ay siyang mag dudulot ng labis na problema at luha sa kanya.
Hindi mayaman ang kanyang pamilya. Kaya naman. Siya ang pag-asa ng kanyang mga magulang na makapag-aahon sa kanila mula sa kahirapan ng buhay sa oras na makapagtapos siya ng pag-aaral bilang isang flight stewardess.
Siya ang panganay sa kanilang limang magkakapatid. At sa lahat, siya ang nabiyayaan ng natatanging ganda, perfect na hubog ng katawan. Ngunit, medyo mahina ang kanyang utak. Kaya ang pagiging flight attendant ang gusto ng kanyang mga magulang na maging trabaho niya pagdating ng araw.
Matangkad, malaki ang hinaharap, makinis at maputi ang balat. May maamo at magandang mukha kung kaya’t kahit saan siya pumunta ay talagang nangingibabaw ang beauty niya. With that, sobra siyang nagpapasalamat sa poong naglikha sa kanya. Hindi man siya biniyayaan ng katalinuhan, at least. Sa pisikal na aspeto ng buhay niya ay pinagpala siya. Kaya naman madalas ay maraming naiinggit sa kanya sa kanilang lugar.
Nilagay siya ng mga magulang niya sa pedestal dahil sa kagustuhan ng mga ito na makapagtapos siya ng pag-aaral at magkaroon ng maayos na trabaho sa hinaharap. Kaya naman nang mabuntis siya. Pinalayas siya ng kanyang mga magulang dahil sa labis na disapointment sa sinapit niya.
Sinanla pa ng mga magulang niya ang lupang sakahan makapag-aral lang siya. Tapos. Isang malaking pangarap lang pala ang lahat. Kasabay ng pag laho ng pangarap niya, ay pagguho naman ng mundo ng kanyang mga magulang.
Nabuhay siya ng malayo at mag-isa kasama ang anak. Pero. Hindi naman niya sukat akalain na babalik na naman siya sa first step. Maghihirap na naman siya ng sobra dahil nagpabuntis na naman siya sa estranghero na lalaking naka one-night-stand niya noon…
Sustento ang dahilan kung kayat hinagilap niya ang estranghero na naka-s*x niya way back 3 years ago. Pero sa halip na pera ang nakuha niya, malaking tiyan ang naiuwi niya. Kung bakit naman kasi… Hindi rin niya napigilan ang kanyang sarili ng halikan siya nito.
“Hindi ko naman gustong magpabuntis ulit sa kanya, eh. Kaso…”
“Kaso nga… Talande ka rin! Marupok ka rin!” lumapit ang kaibigan niyang si Kathryn sa kanya at dinuro siya sa sintido. “Hindi mo ginamit ‘tong utak mo, ‘yang kiffy mo ang pinairal mo!” sambit nito sa kanya.
“Aray ha, grabe ka na sa akin. Sobrang pagiging Judgemental na ‘yan. Kaibigan naman kita ‘di ba? Bakit ganyan ka sa akin Kath. Alam kong nagkamali na ako. At nagsisisi na ako. Pero pwede ba na ‘wag mo nang ipagdukdukan sa akin ang katangahan ko? Ang sakit kasi e…” nakangiwi na tugon niya sa kaibigan.
Her friend smirked. “Yan, ‘yan tayo eh. So ako pa ngayon ang judgemental? At ikaw ang kawawa at pa-victim? Girl, oo. Kaibigan mo ‘ko. Kaya nga sinasabi ko sa ‘yo ‘to kahit masakit. Kasi nga, G.A.G.A ka girl, gaga ka. Kahit saang angulo mo tingnan, gaga ka talaga. Magpabuntis ka ba naman ulit sa lalaking naka one-night-stand mo noon. So anong tawag sa ginawa n’yo? One-night-stand in the second time around? Then boom! Baby is waving. Ang galing ‘no? Parang sa love story lang ang peg ng katangahan na ginawa mo. Ano, umaasa ka na darating ang araw pagnadiscover ng lalaking ‘yon na may dalawa kayong anak. Mamahalin at pakakasalan ka niya?” Hinawakan siya ng kanyang kaibigan sa magkabilang balikat at niyugyog siya. “Heaven, gumising ka sa reality, sa story lang nangyayari na naiinlove ang gwapo at mayaman na lalaking naka one-night-stand in the second time around mo. Dalawang bata na ‘yang kailangan mong pakainin. Hindi nabiro ‘yan!”
“Alam ko naman ‘yon Kath , kaya nga ibibigay ko na lang si baby Hazel sa Daddy niya, at least doon, mapapalaki siya ng maayos at magiging maginhawa ang buhay niya ‘diba?” napangiwi siyang muli. Hindi niya rin alam kung tama ang binabalak niyang gawin. Pero… Kaysa naman magsama-sama silang mag-iinang mulat ang mga mata na mamatay sa gutom.
“Sure ka na ba r’yan? Once na ibigay mo si baby Hazel sa tatay n’ya. No turning back girl, hindi mo na siya pwedeng kunin pag nagbago ang isip mo. Kaya mo bang hindi na makita at mayakap si baby Hazel ng panghabang buhay? Kasi kung ‘Oo’ ang sagot mo. At sure ka na talaga sa balak mo. Oh, eh sige. Wala naman akong magagawa kung ‘yan ang pasya mo. Ibigay mo na siya sa Tatay niya, tama ka naman roon. At least doon sa ama niya magkakaroon siya ng maayos at maginhawang buhay.”
Napakamot siya sa ulo. Kung paano nahahati ang puso’t isipan ng kaibigan niya sa desisyon niya na ibigay ang anak niya sa ama nito. Doble, triple naman ang kanya. Ayaw niyang ibigay ang bata, kaso… Isipin pa lang niya na dalawa na ang pakakainin niya. Wala pa siyang matinong trabaho kung ‘di ang um-extra sa pagkanta at kakarampot lang ang kita. Wala siyang pagpipilian kung ‘di ibigay ang baby niya sa ama nito kahit labag at masakit sa kalooban niya. Siya kaya ang nagpakahirap na dalhin ng siyam na buwan ang bata sa sinapupunan niya. Muntik na rin siyang mag good bye to the world nang ipanganak niya ang baby Hazel niya. Pero ganun talaga, kailangan niyang mag sakrepisyo na malayo sa anak niya alang alang sa maganda nitong buhay.
***HEAVEN POV***
“I’M SORRY ANAK! Sana mapatawd mo si Mama, mahal na mahal kita baby Hazel ko. Mahal na mahal kita anak ko! Pero hindi ka kayang buhayin ni Mama, kaya dito ka na lang muna sa bahay ng Daddy mo. Hazel, baby ko. Love na love kita baby ko…”
Umiiyak na sambit ko habang kalong ko ang aking one month old na baby girl. Ayokong gawin ito. Pero mas mabibigyan siya ng maayos na buhay ng daddy niya dahil kung mananatili sa akin ang anak ako ay wala akong ibubuhay sa kanya sa ngayon dahil wala naman akong sapat na kakayaan na bumuhay ng dalawang bata.
Sobra akong nadudurog na ibibigay ko ang baby Hazel ko sa lalaki na hindi ko naman kilala ang personalidad kung mabait ba siya na tao. Pero isang bagay lang ang laman ng isip ko. Nagtaas ako ng tingin sa Malaki at malawak na manyon na kinatitirhan ng tatay ng anak ko. Sigurado akong bibigyan niya ng maayos na buhay ang baby namin.
“Shhh, ‘wag ka nang umiyak babay Hazel, lalong masa-sad si Mama.” Niyakap ko ang baby ko nang umiyak ito. Sobrang durog ang puso ko sa gagawin ko, pero babalikan kita anak pag okay na ako. Pagkaya ko na kayong buhayin ng kuya mo. Dadalawin kitang madalas anak. Masaya na akong mapagmasdan ka lang kahit sa malayo. Basta ang mahalaga, okay ka at maginhawa ang buhay mo. Happy na si Mama dun…”
Napagulgol ako ng iyak habang nakayakap sa baby ko. “Basta dadalawin kitang madalas anak ko.” Inayos ko na ang baby ko tsaka ko inipin ang sulat para sa lalaking naka-one night stand ko. Kung ano ang pangal ng baby ko at ang date kung kalian ko siya pinanganak. Wala akong nilagay sa sulat na iipit ko sa lampin ng anak ko na pangalan ko. Umaasa lang ako na mamahalin ang baby ko ng ama niya.
“Sorry talaga baby ko… Sorry baby Hazel ko…” pinupog ko ng halik at yakap na sobrang higpit ang baby ko saka ko siya nilapag sa sementanong harap ng gate at pagkatapos ay pumindot ako ng tatlong beses sa doorbell.
“Mahal na mahal kita baby Hazel ko!” Inipit ko ang sulat sa lampin at pagkatapos ay kumaripas ako ng takbo palayo sa gate. Parang tinutusok ang puso ko habang tumatakbo ako papalayo sa anak ko dahil naririnig ko ang malakas niyang pag-iyak. Pero hindi ako dapat maging mahina, naka-doorbell na rin ako at alam ko na ilang sandal lang ay may lalabas na sa gate at makikita na nila ang baby ko.
Agad akong nagkuble sa nakaparadang kulay itim na van di kalayuan sa gate. Napahawak ako sa aking makirot na dibdib nang Makita kong bumukas ang gate at lumabas roon ang isang kasambahay. Shock na shock ang mukha nito nang Makita ang umiiyak kong baby. Pero agad rin nito na binuhat at hindi naman nagtagal ay may dumating pang isang kasambahay.
Mabilis kong tinago ang aking sarili nang sabay na lumingon-lingon ang dalawang kasambahay para hanapin kung sino ang nag-iwan ng bata sa harapan ng mansion na pinagtatrabahuhan nila. Nakita kong kinuha ng isang kasambahay ang papel na inipit ko sa lampit na nakabalot sa baby Hazel ko. Namilog ang mga mata nito at napatakip ng bibig. Matapos buklatin at basahin ang nakasulat sa papel ay agad rin na pinasok sa loob ang hawak na bata.
“Sorry baby ko, mahal ka ni Mama…” malungkot na sambit ko nang tuluyang dalhin ng mga ito ang baby ko sa loob ng mansyo.
Huminga ako ng malalim at tinuyo ang aking luha. Pinatatag ko ang aking sarili. Hindi kami mabubuhay kung sama sama kaming mag-iina…
Laban lang Heaven. Isipin mo na lang na para sa magandang future ng baby Hazel mo ang ginawa mo. Kasama mo pa naman ang anak mo na si Hunter, sa kanya mo na lang ilaan ang lahat ng pagkalinga at pagmamahal mo para sa bunso mo…
-----CLINT POV-----
“This is ridiculous, Mom. How can I convince na that baby is mine, just because ‘yun ang nakasulat sa papel na ‘yan? Hindi ako ang tatay ng batang 'yan, Mon. Malay ba natin, sa dami ng mga taong scammer dito sa mundo. Baka mamaya, ‘yang bata na ‘yan ang gagamitin nila para makakuha sila ng pera sa atin. Mom, sa akin ka makinig. Hindi akin ang batang 'yan!” giit na katuwiran ko sa mommy ko.
Hindi ko talaga anak ang batang ‘yan. Paano naman ako maniniwala na ako ang ama ng batang basta na lang iniwan sa labas ng gate. At isa pa. Hindi ako ang tipo ng lalaki na bubuntis ng babae. Never. I’m only 24 years old. And I’m too young to have a baby. Kaya maingat ako sa tuwing gusto kong tumikhim ng babae. I slept with many women. Hindi ko na mabilang at matandaan ang mga mukha nila sa dami nila. But one thing I’m sure. I do remembered that I never used women without protection. That’s the number one advice from my father na dapat laging laman ng isip ko, well. Kaming apat na lalaking magkakapatid once na ma-curious kaming tumikhim ng babae. Kaya hindi ko anak ang batang ‘yan. No. Never.
“Ate Melody, pakihawak po si baby Hazel,” utos ni mama sa kasambahay naming nakakuha sa bata. Nakataas ang kilay at namewang na hinarap niya ako. Sa mukha ni mom. Alam kong sukdulan na ang inis niya sa akin. Dahil sa pagmamatigas kong tanggi na hindi ako ang ama ng baby na nandito sa loob ng mansion.
“M-mom, just… just stating the fact na malay ba natin kung scammer ang tao na nag-iwan sa baby na ‘yan sa labas ng gate ‘di ba? ‘yun lang naman ang point ko Mom, kasi… Wala akong natatandaan na may babae akong binuntis.” Agad na paliwanag ko sa mommy ko bago pa tumaas sa level 100 ang galit niya at itakwil ako bilang anak at ipagtabuyan palabas dito sa mansion.
“CLINT, GUSTO KONG IPAALALA SA ‘YO NA MAHAL KITA ANAK, PERO. MAS MAHAL KO ANG CUTE KONG APO KESA SA ‘YO.” Mahina ngunit seryoso na sabi ni mommy.
Napakamot ako sa aking batok. Hindi pa nga siya 100% sure na ako ang biological father ng baby na ‘yon, apo na ka agad niya kung iturin. At masakit pa. mas mahal niya kaysa sa akin na tunay niyang anak.
“Okay, to end this conversation Mom, I can accept that baby once positive ang result ng DNA test naming dalawa.” Suggestion ko.
Yeah. A DNA test would really save me from this problem. I’m still young, I have a lot of things to do. I want to enjoy my life until I found the woman who is deserving for my time and love.
Unti-unti na bumaba ang line ng kilay ni mom na nakataas at inalis ang kamay sa bewang. “Okay, if that’s what you want. Fine. Magpa DNA test kayong dalawa ng anak mo bukas na bukas din pag sapit ng araw.” Mon said, then left me.
I sighed. Mukhang siguradong siguro na si mom na anak ko nga ang baby na ‘yon. Tsk.
Kanina pa ako pabaling-baling sa aking kama dahil hindi ako makatulog sa kakaisip sa mga babae na naka-s*x ko this past year. Wala talaga akong maalala na hindi ako gumamit ng protection kaya naman paano ako makakabuntis ng babae? Umiling ako. Impossible talaga na makabuntis ako ng babae kung may suot akong condom.
Ano ‘yun? Grabe ang sperm ko pag nagka ganun, ah! Pero no. Hindi talaga ako makakabuntis. Laging bago at mamahalin ang baon kong condom. That’s why I always make sure na safe akong hindi makabuntis ng babae. Wala pa pinangarap ang magpalit ng diaper ng baby! Damn!
“Sir, Sir, gising pa po ba kayo?”
Natigil ako sa aking malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses na iyon ng isa sa aming kawaksi. “Sir,” sambit nitong muli at kumatok.
Agad akong tumayo at lumakad sa pinto. “Yes—”napakunot ang aking noo at napatigil ako sa aking pagsasalita nang bumungad sa akin ang kawaksi namin na karga ang baby na basta na lang iniwan sa labas ng gate.
“S-sir, utos po ng Mommy mo na ikaw daw po ang magpatulog sa baby mo. Dito daw po sa kwarto mo dapat matulog si baby.” Sabi nito.
My eyes widened. My mouth parted. What the… heck! Sa akin… Ako ang magpapatulog sa baby na ‘to? No! Anong alam ko sa pagpapatulog ng baby…
Damn it! f**k! No!