HEAVEN
“Ano ang pangalan mo hija?” tanong sa akin ng mommy ni Clint.
“She’s nothing but a ugly cleaning lady, Mom. Kaya hindi mo na kailangan pa na malaman ang pangalan niya.” agad na sabi ni Clint sa mommy niya kaya naman hindi ako naka sagot sa tanong nito at natahimik ako.
“Stop that, Clint! Is that the right word to call someone? Ang tawagin mo siyang ‘ugly cleaning lady?’ I’m so disappointed, Son. Pinaaral kita, at ang mahal pa ng tuition fee sa school na pinasukan mo. Then ‘yan lang ang natutunan mo? Ang manghamak ng kapwa?” napanguso si Clint sa sermon ng ina. Ako naman ay napayuko.
Tinignan ako ng mommy ni Clint. “Mag sorry ka sa kanya, Clint. Hindi porket cleaning lady ang trabaho niya dito sa resort, may karapatan ka na para maliitin at lait-laitin siya.”
Kumibot ang labi ni Clint sa utos sa kanya ng ina. “No! Hindi ako hihingi ng sorry sa kanya. For what? At bakit ako ang magso-sorry sa kanya? Kung meron man dapat na humingi ng sorry. Hindi ako ‘yon, Mom, siya ‘yon. Pumasok siya dito sa cabin ko without my permission, then pina-breastfeed niya ang baby ko.” giit na katwiran naman ni Clint.
Naningkit ang mga mata ng mommy ni Clint. “I order you to say sorry, Son. Ano ba ang gusto mo? Tawagan ko pa ang Daddy mo?”
Nang marinig ni Clint ang sinabi ng ina niya na tatawagan ang ama, kahit labag sa kalooban niya ay nag sorry ito sa akin.
“Okay, fine. I’m sorry!” labas sa ilong na sambit ni Clint sa akin. Kitang kita naman na napilitan siyang humingi ng sorry sa akin.
“Dapat nga eh mag pasalamat ka pa sa kanya. Iniwan mo si baby Hazel dito sa loob ng cabin mo mag-isa. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa apo ko dahil dumating siya, dahil nag magandang loob ang babae na nilalait mo.”
Mabuti pa ang mommy ni Clint. Mabait. Pero itong si Clint. Ang pangit ng ugali.
“Any way, ano ang pangalan mo hija?” muling tanong sa akin ng mommy ni Clint.
“Uh. A-ako po si Heaven. Second day ko palang po ngayon dito sa resort. Sorry po talaga sa ginawa kong pagpapa-breastfeed sa apo n’yo po. Wala po kasi akong makitang gatas, iyak po kasi ng iyak si baby kaya pina-breastfeed ko na po.” nahihiya na paliwanag ko.
“Oh, dear. Hindi ka dapat humingi ng sorry sa akin, or kahit pa sa anak ko. Dahil ang ginawa mo ay isang kabayanihan as a mother. You feed my apo kahit hindi mo siya kadugo.” nakangiti na lumapit sa akin ang mommy ni Clint. Umawang ang labi ko nang haplusin niya ako sa aking braso.
“Thank you so much, hija. I mean. Heaven.”
“W-wala po iyon, Ma’am. Ginawa ko lang po ang tama.”
“Ilan nga pala ang baby mo? At sino ang nag-aalaga sa kanila kapag nasa work ka?”
“Dalawa po ang anak ko Ma’am, isang 3 years old at one month old po.” pag amin ko.
Naging malungkot ang mukha ng mommy ni Clint. “Oh… that’s so sad. Kailangan mong malayo sa anak mo para mag trabaho.” sambit nito.
“Okay lang po ‘yon Ma’am, para naman po sa kanila ang ginagawa ko.”
“And their father?”
Napalunok ako sa narinig ko. Gusto kong isagot sa mommy ni Clint na ang anak niyo po. Kung pwede lang talaga.
“Wala po e,” nahihiyang sagot ko. Napatingin ako kay Clint. Kulang na lang ay lunukin niya ako ng buo dahil sa sobrang sama ng titig niya sa akin. Agad kong pumaling ng tingin sa ibang direksyon.
Tumaas ang kilay ng mommy ni Clint. “What? Wala? What do you mean wala? Dalawa ang anak niyo pero hindi ka niya tinutulungan para buhayin ang mga anak niyo? How cruel he is.” marahil ay na-curious ito kung bakit walang ama ang mga anak ko.
Opo. Super cruel po talaga ng anak niyo, Ma’am. Sambit ko sa aking isipan.
“Mom, pati ba naman ang tungkol sa bagay na ‘yan ay aalamin mo pa? That is a family matter. Mom. Too personal question para tanungin mo pa siya. At wala tayong pakialam sa buhay niya, or whatsoever about sa kanya.” sabat ni Clint sa pagtatanong ng mommy niya sa buhay ko.
“But I want to ask her, Son. At wala ka sa posisyon para pagbawalan akong tanungin siya dahil anak lang kita.” mataray na tugon ng mommy ni Clint.
Umasim at namula ang mukha ni Clint dahil sa pag kapahiya sa sinabi ng ina niya.
Hinarap akong ulit ng mommy ni Clint. “How old are you, Hija?” naka ngiti na patuloy na pagtatanong nito sa akin.
“T-twenty three po,” tipid na sagot ko.
Tumango tango ito. “Ang bata mo hija, you know. Nung pinagbuntis ko ang sixtuplets ko. Halos same age lang tayo.”
“Mom! Pati pa ba ‘yan ikukwento mo sa kanya?” sabi ni Clint sa ina.
Hinawakan niya ako sa aking balikat. “At ikaw, you can leave now.” hinila niya ako at kinaladkad para itaboy pababa ng hagdan. Pero agad din siyang pinigilan ng mommy niya.
“Let her Clint, I want to hire her.” utos nito sa anak.
Napatigil si Clint sa paghila sa akin. “What? Hire?” lukot ang mukha na tanong sa ina.
“Yes, since wala pa tayong nahahanap na mag-aalaga sa anak mo. I decided to hired her as a babysitter ng apo ko.” kibit balikat at nakangiti na tugon nito sa anak.
“W-what?! Are you crazy, Mom? Ang babaeng ‘ito ang gagawin mong babysitter ng anak ko? No! Ayoko!” mabilis na hindi pagsang ayon ni Clint sa gusto ng ina.
Napalunok naman ako at bumilis ang t***k ng puso ko. Sobrang saya ko dahil gusto akong i-hire ng mommy ni Clint para maging babysitter ng anak ko. Hindi na ako malalayo sa anak ko. Pero dahil tutul si Clint sa gusto ng mommy niya. Nakaramdam ako ng lungkot, pero pinagdadasal ko na hindi sana pumayag ang lola ng anak ko sa gusto ng anak nito.
“Maraming mas magaling at maayos na babysitter ang mairerecomend sa atin ng agency, Mom. Kaya hindi siya ang magiging babysitter ng anak ko. Ayoko sa kanya.” pagdiriin ni Clint na ayaw niya sa akin.
“Hindi ikaw ang magde-decide sa bagay na ‘yan Clint, ang apo ko.” nilapit sa akin ng mommy ni Clint ang bata. “I-carry mo siya hija,” utos nito sa akin.
“P-po?” mangha na sambit ko.
“Buhatin mo ang apo ko, once na hindi siya umiyak sa ‘yo. Means, she likes you.”
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Agad kong kinuha ang baby ko mula sa kanya at binuhat sa aking bisig. Napangiti naman ang mommy ni Clint nang makitang nagustuhan ng opo nito ang init ng bisig ko at bigla ay ngumanga ito tsaka nilapit ang bibig sa dibdib ko. Kinakapa ang dibdib ko.
Natawa ng malakas ang mommy ni Clint sa katakawan ng apo.
“See, she likes your milk. She likes you.” sambit nito. Humarap ito kay Clint.
“Nakita mo na Clint, gusto ng anak mo sa kanya. Baby Hazel sensed kung mabuting tao or hindi ang babae na pinag iinitan mo.”
“Still, I don’t like her, Mom. Hindi ako papayag na siya ang maging babysitter ng anak ko.” patuloy na giit ni Clint.
“Tulad ng sabi ko, hindi ikaw ang magdedecide. At dahil gusto ng apo ko sa kanya. She’s hired. Starting today, she’ll be my granddaughter's babysitter.” matigas na sabi ng mommy ni Clint.
“Naku, hija. Since malayo ka naman sa baby mo. Pwede bang… ibigay mo na lang sa apo ko ang milk mo?”
Napakurap ako sa aking narinig. Kahit hindi ako kilala ng mommy ni Clint. Gusto niya na ipa-breastfeed ko ang apo niya.
“Mom! Yuck!” diring diri na usal ni Clint sa ideya ng mommy nito. “Madami tayong pera kaya hindi natin kailangan ang milk ng ugly cleaning lady na ‘yan!”
“Breast Milk is the best for all babies, Son. Mas masustansya pa ‘yon kaysa sa mga mamahaling formula milk na kaya mong bilhin para anak mo. You should be thankful dahil hindi lang pag-aalaga ang kayang i-offer niya sa apo ko. Magiging malusog at malakas ang bata dahil breastfeeding siya.”
Hinawakan ako ng mommy ni Clint sa balikat. “Let’s go hija,” hindi na niya kunuha sa bisig ko ang bata. Maingat niya akong inakay sa paglalakad.
“Doon tayo sa sofa para mapadede mo ang apo. You know, ang takaw takaw kasi ng apo kong ‘yan! Manang mana sa ama niya.” kwento nito sa akin habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
“Mom!” Clint’s grunt disappointed dahil hindi siya nanalo over her mother.
***
“What? Dito sa cabin ko matutulog ang ugly cleaning lady na ‘yon Mom? No! Ayoko!” maktol na tugon ni Clint sa sinabi ni Ma’am Cristely sa kanya.
Dahil kailangan ni Baby Hazel ang sariwang hangin at mapaarawan tuwing umaga. Sinabi nito na mananatili kami ni baby Hazel sa cabin ni Clint. Kaya naman heto’t pulang pula at lukot na lukot ang pagmumukha ni Clint sa gusto ng ina niya. Pero dahil iyon ang gusto ng mommy niya, wala siyang magagawa kung hindi ang sumunod sa ina.
“Well, kung ayaw mo naman na matulog si Heaven dito. Pwede naman sila ng anak mo sa Cabin 4, kasi ‘yon ang available na cabin. Hindi mo nga lang makakasama ang anak mo.” suhestiyon ni Ma’am Cristely pero agad rin na tinutulan ni Clint.
“No! Ayoko. Baka mamaya ano pa ang gawin ng babae na ‘yan sa baby ko.”
“Then she’s staying here.” hindi na nagawa pang sumagot ni Clint para tutulan ang gusto ni Ma’am Cristely. Tila naubusan na ng lakas si Clint na makipagtalo sa ina dahil in the end, hindi rin naman siya mananalo. Ang mommy pa rin niya ang masusunod. Yuyuko pa rin siya sa kanyang ina kahit anong pagmamatigas pa ang gawin niya.
“I told you to stop calling her ‘Ugly cleaning lady’ Clint. She’s Heaven. So call her Heaven from now on. Do it Son, kung ayaw mo na isumbong kita sa Daddy mo.”
Sunod sunod na nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Clint. Pigil ang emosyon nito na magalit sa harapan ng ina dahil nirerespeto niya ito.
“At ano ba ang problema mo kung dito matulog sa cabin mo si Heaven. Bakit? Iniisip mo ba na tatabihan ka niya sa kama mo? Gosh. Clint, ano naman palagay mo sa kanya. Tulad ng mga easy to get na babaeng dinadala mo dito sa cabin?” taas ang kilay na sabi ni Ma’am Cristely.
“Malaki itong cabin Clint. At wala akong masabi dahil sa sobrang kabaitan ni Heaven dahil pagay siya kahit doon siya matulog sa sofa downstair. See, she’s so mabait at napaka-swerte mo sa kanya. Kaya maging mabait ka kanya simula ngayon.”
Marami pang sinabi at binilin si ma’am Cristely sa anak nito. Si Clint naman ay panay tango lang sa ina pero halatang wala itong pakialam sa part na tungkol sa akin. Ilang beses kong nahuli ang pag-asim ng mukha niya sa tuwing sinasabi ni ma’am Cristely na maging mabait sa akin at pakisamahan ako ng maayos.
Nang makaalis ang mommy ni Clint. Animoy bubuga ito ng apoy sa akin at kakainin ako ng buhay sa sobrang galit. Ang lahat ng emosyon na pinigil nito habang kaharap ang ina ay sinaboy niya sa akin ngayon dahil kaming dalawa na lang.
“Pasalamat ka dahil buhat mo ang anak ko! Dahil kung hindi, sure ako na kanina pa kita kinaladkad pabas nitong cabin ko!” sigaw niya sa akin.
“Lower your voice, Sir Clint. Baka magising mo si baby Hazel.” lakas loob na sagot ko sa kanya. Okay lang naman sa akin na awayin niya ako at pagsalitaan ng kung ano ano. Pero ‘wag sa harapan ng anak ko. Kahit infant baby po ang baby Hazel ko. Ayokong marinig niya na ganun kasama ng ugali at dila ng daddy niya sa akin.
“So may lakas ka na ng loob ngayon para labanan ako just because you got my Mom? Huh? Hoy, ugly cleaning lady. Wala ka pa rin karapatan para salungatin ang gusto ko. Ako ang magpapa- sweldo sa ‘yo kaya ako pa rin ang boss mo. Ako ang masusunod.”
Agad akong umiling. “Hindi ikaw ang magpapa-sweldo sa akin Sir Clint, ang Mommy mo. Kaya ang sabi niya, wala akong ibang susundin kung di siya lang at hindi ikaw.”
Sinabi ko lang naman ang sinabi sa akin ng mommy niya. Kung magalit siya sa akin. Doon siya sa mommy niya magalit. Basta hindi ko siya susundin, si ma’am Cristely lang.
Na-doble ang pagkalukot ng mukha ni Clint dahil sa sobrang inis. Tila umuusok ang butas ng kanyang ilong at ang magkabilang tainga dahil sa kapangahasan kong sagutin siya.
“Oh, ilalapag ko sa crib si baby Hazel, ha. Permission to go upstairs, Sir.” ayan. Nagpaalam na ako sa kanya. Kung ayaw niya akong payagan. Paano ang baby niya, saan ko ilalapag para matulog, sa sofa?
Wala akong nakuhang sagot mula kay Clint. Tinalikuran niya ako at lumabas sa pinto. Napaigtad ako nang padabog niyang isarado ang pinto.
“Ang bad talaga ng Clint na ito! Nakita nang natutulog si baby e!” mabuti na lamang at mahimbing na natutulog si baby Hazel kaya naman hindi ito nagising sa ginawa ng ama niya.