HEAVEN Ilang oras pang namalagi si Ayana dito sa kwarto na tutuluyan ko sa mansyon nila. Ang sabi niya sa akin. Nasa ikalawang pinto lang ang kwarto ni Clint, kaya kung may kailangan daw ako ay katukin ko lang doon ang kuya niya. Paglabas ni Ayana, agad kong kinuha ang phone ko at seneach ang Marika Lee na tinutukoy nito. Binasa ko ang article sa google tungkol sa babae na first love ni Clint. Sobrang ganda niya. Half filipino-chinese ito. Singkit, maputi at balingkinitan ang katawan. Sikat na sikat nga siya ngayon dito sa mundo ng pagiging artista sa pinas. Base sa article na nabasa ko. Almost 3 years palang ang Marika Lee na ito sa industriya ng showbiz pero sikat na ito at kaliwa’t-kanan ang mga projects. Kalove-team nito ang anak ng isang dekalidad at kilalang artista rin sa indus

