"Where did you go?" tanong ni Storm kay Jared nang makita ito. Nabungaran niya itong nag-a-almusal. Bagong ligo pa dahil halatang basa ang buhok. Napangisi pa ito nang makita siya. "Here and there," sagot nitong kumagat sa sandwich na kinakain. "Alam mo naman tayo," ika nito. Naningkit ang mga mata niya rito. Naupo siya sa upuang nasa gilid nito. Sinenyasan niya ang isang katulong para humingi ng kape. "Don't look at me like that! Ginagawa ko ang tarabaho ko, Storm. Naghahanap ako ng mga talents dito. Wala nga lamang akong makita," aniyang ipinagtatangol ang sarili. Mas lalo siyang napailing. Nagtagis bagang siya. Pinuntahan ba nito ulit si Maid? Nagkausap na ba ang mga ito lalo at naging pakay ito ng babae kahapon lang. "Pero here, may maganda pala kayong katulong," aniya. Iningus

