"Tu...bercolosis?" Nanlulumong ulit niya sa sinabi ng doctor. Kausap ngayon ni Maid ang doctor sa opisina nito. Ipinatawag siya nito agad pagkatapos nilang bigyan ng paunang lunas ang kanyang ina. Malungkot na tumango ang matandang doctor. "Suspected tubercolosis, hija. The test will come back forty eight hours to seventy two hours from now. Ngunit batay sa mga symptoms niya, there is a big possibility of it. I want you to have skin test also. You've been with your mother always. Wala ka man symptoms, there a chance you get it. We just want to make it sure that you are healthy at hindi ka niya nahawaan," mahabang paliwanang pa ng doctor. Maluha-luhang nag-iwas siya ng tingin sa doctor. Nahihiya siyang makita nitong pinanghihinaan siya ng loob kahit normal lamang naman iyon.Hindi niya a

