Chapter 29 KAREN's POV: I CAN'T BELIEVE THIS. Hindi naman ako bulag para hindi makilala si tito Jacob. Yes he is. Siya ang lalaking nasa loob ng sasakyan na siyang kahalikan ng malandi kong pinsan na si Cindy. Kahit ilang beses ko pang pikitin ang mata ko ay sigurado ako na siya ang nakita ko. Malinaw sa paningin ko na naghalikan silang dalawa sa mismong kaloob-looban ng kotse. At hindi lang 'yan, hindi man lang sila nahiya dahil nakabukas pa ang bintana ng sasakyan and worst, nasa tapat pa sila mismo ng gate ng University. Ganyan kakapal ang pagmumukha ni Cindy at hindi man lang siya tinablan ng kahihiyan sa katawan. Sinisira niya talaga ang pangalan ni mama. Pero-- bakit nga ba sila magkahalikan ni tito Jacob? Ninong niya 'yon diba? Hindi naman yata normal ang maglaplapan silang

