UNO Tanghaling tapat na nang magising siya simula ng dumating siya kaninang madaling araw. Halos tatlong gabi na sunod-sunod ang pag-uwi niya ng madaling araw. He's always on the go when it comes to his friends, hindi niya kayang humindi sa mga ito dahil ang rason, minsan lang naman ito. Pero parang ang minsan yata ay napapalagi na rin. Medyo may katagalan na rin simula ng nagpunta siya sa bar at magliwaliw na para bang wala ng bukas. Kahit pagod na pagod siya, wala siyang pakialam. He wants to party, get drunk and be wild. Paglabas niya ng kwarto, nalanghap niya agad ang amoy ng niluluto ni Daisy. Medyo hindi niya nagustuhan kaya kumunot ang noo niya. “Daisy! Nagluto ka ng tuyo? Baka mamaya may kumatok na security dito dahil may mga complainant na pala sa lobby!” Hindi niya napigilan

