MIKA “Ang swerte mo naman, marami kang kaibigan at pamilya. Tingnan mo oh, ang saya-saya ng mga kaibigan mo. Kahit ang mga kaibigan ng pamilya mo, ang saya rin nila tingnan.” Bigla ko lang naisip na hindi pala lahat ng mayaman ay nakukulong sa kalungkutan at puro pera na lang ang importante sa kanila. Bibihira ako makakita ng ganitong klaseng pamilya. Yung masaya ang bonding nila. I bet lahat ng mga naririto, puro mayayaman at successful sa buhay. Halata naman sa mga pananamit nila at kutis. Nakuryoso si Uno dahil sa sinabi ko kaya mas lalo siyang lumapit sa akin. Nasa veranda kami ngayon ng kanyang kwarto dito sa kanilang bahay. Sa baba tanaw na tanaw ang malawak na entrance at ang nag beberdehang damo ng bermuda. Sa kaliwang side, bawat puno ay may kanya-kanyang bench at lamesa sa g

