Chapter 3: Flashback

1431 Words
Sa isang iglap parang biglang umikot ang mundo ng magising siya sa isang silid kung saan may dalawang pares na mga mata ang masakit na nakatitig sa kanya. Naka-upo ang lalaki sa sofa na nasa gilid lang. Magulo ang mga buhok at klaseng kagigising lang pero sa halip na kape ang gawing pampainit ng sikmura, alak ang nakita niyang tinutungga nito. Napalunok siya ng tingnan niya ito ng may pagtataka habang nakasapo sa kanyang ulo ang magkabila niyang mga kamay dahil sa labis na pagkahilo dala ng nainom na alak kagabi. Masakit na tumitig sa kanya ang lalaki habang dahan-dahan itong tumayo sa kanyang harapan. Umiigting ang mga panga nito habang madilim at masakit siya nito kung tingnan. Mas lalong sumakit ang ulo niya kaya naisipan niyang yumuko pero hindi niya sukat akalain na mas dodoble pala ang sakit ng kanyang ulo ng makita niya ang kabuuan niya na tanging, kumot na lang ang nakabalot sa kanyang katawan. Natataranta siyang umangat ng tingin sa lalaki. “Anong ginawa mo sa akin? Hayop ka! Sino ka?!” Marahas niyang sikmat sa lalaki. Ganun pa rin ang aura nito pero ng akma niyang batuhin ito ng unan, doon nag-iba bigla ang itsura nito. Galit at gustong manakit. “Don't pretend like you don't know anything, Miss! Hindi ba dapat ako ang magtatanong sa'yo kung sino ka?” Galit na usig nito sa likod ng madilim nitong anyo. Nasapo niya ang kanyang noo. Ang sakit na ng ulo niya pati katawan niya ay sumasakit na rin at dumagdag pa ang lalaking ito! “H-hindi kita kilala…” kalmado niyang sabi. Hindi niya kayang magkunwari sa kalagayan niya ngayon. Her feminine area was sore. “Who are you? Bakit ka gumawa ng eskandalo kagabi? And for goddamn sake, don't pretend Miss! Plinano mo na sirain ang pangalan ko!” Malakas na bulyaw nito rason para itakip niya sa kanyang mga tenga ang magkabila niyang mga kamay. Bahagyang nahulog ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan kaya nagmura ng malutong ang lalaki na nasa harapan niya. “f**k!” Mariing anas nito bago tumalikod at problemadong namaywang. Nagkukumahog siyang habulin ang kumot para takpan pabalik ang kanyang katawan. Nahihiya siya at gusto niya na lang maglaho dahil sa unang pagkakataon, may isang lalaki na hindi niya naman kilala ang nakakita ng dibdib niya and worse naka-una sa kanya! Baka nga mas sobra pa sa iniisip niya ang ginawa nila kagabi! Alam niya na ang lalaking kaharap niya ngayon ang pumunit sa iniingatan niya pero tangina lang dahil ni isang alaala wala talaga siyang mahapuhap! Kahit anong gawin niyang pag-iisip, hindi sumagi sa isipan niya kung bakit at paano nangyari ang lahat ng ‘yon. Mariin siyang pumikit matapos iub-ob ang mukha sa gitna ng kanyang mga tuhod. Masakit ang ulo at buong katawan niya. Nahihilo siya at kumikirot ang gitna niya. Parang gusto niyang magsuka kaso hindi niya mapahintulutan ang sarili na gawin iyon dahil nangangamba siya na baka bigla siyang matumba kapag tatayo siya para pumunta ng banyo. “Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo… Wala akong maalala kung ano man ang nangyari at kung ano man ang ginawa ko kagabi–” “Because you are fúcking drunk! Hindi mo talaga maaalala dahil langong-lango ka sa alak! Damn it! You scandalised my name! And now you have the guts to ask me who I am?” Pagak itong napatawa pagkatapos siyang singhalan. Dumadagundong ang boses nito sa loob ng kwarto na hindi niya naman alam kung saan at kanino iyon. Kung bakit ba kasi umabot siya sa gano'ng punto! She didn't imagine that she was drunk after what she had last night. Bumuntong-hininga siya saka sinikap na umalis sa kama habang iniinda ang sakit sa gitna niyang parte. Gusto niyang sumbatan ang lalaki dahil sa nararamdaman niyang ngilo at sakit pero paano niya gagawin iyon kung kasalanan niya naman pala? “Where the hell are you going? Hindi mo ako pwedeng takasan ng ganun-ganun lang, miss! You need to face the consequences of scandalizing my image and ruining my relationship with my fiancee!” May diin ang bawat sambit nito ng harangan siya para hindi tuluyang makapasok ng banyo. Awtomatiko naningkit ang kanyang mga mata. Dumiin ang pagkakahawak niya sa kumot na nakabalot sa katawan niya. Sumasakit ang ulo niya at mas lalong nananakit ang gitna niyang parte. Halos hindi na siya makatayo ng maayos dahil wala siyang lakas na ituwid ang sarili. “Kinuha mo ang virginity ko diba? Kwits na lang tayo sa kung ano man ang ginawa ko sa'yo kagabi!” Gigil niyang anas pagkatapos itong tingalain at tingnan ng masakit. Nalukot ang mukha ng lalaki pero kalaunan, sumilay ang ngisi sa mga labi nito dahilan para manggigil siya. “I take your virginity because you seduced me last night! Tangina, bakit ba ako nagpapaliwanag sa'yo? Sinira mo mo ang iniingatan kong pangalan at kung hindi lang ang ama ko ang may ari ng ospital na pinagtatrabahuhan ko, baka nasesante na ako, dahil sa mga pinaggagawa mo kagabi! At ang matindi pa, nawalan ako ng fiancee!” Umiling-iling ito at tila nagtitimpi lang na hindi siya saktan. Bakas sa itsura at boses nito ang galit na nararamdaman. Huminga siya ng malalim. Parang nawalan siya ng kontrol kaya mariin niyang naitukod sa dingding ang isa niyang palad. Nahihilo pa rin siya dahil pilit niyang inaalala kung ano man ang nangyari kagabi kaso hilong-hilo na siya. Narinig niya ang mabigat na pag buntong hininga ng lalaki. “Sorry kung ano man ang nagawa ko kagabi. Pwede ko naman linisin ang pangalan mo kung pahihintulutan mo ako na gawin ‘yon. Wala akong kakayahan na gawin yun pero kaya kong maki-usap sa mga kakilala ko–” “Ridiculous idea!” Galit na agap nito sa kanyang sinasabi. Awtomatikong umangat ang magkabila niyang balikat dahil sa gulat. “You can't clear my name unless you pay all the paparazzi who clearly spread news! Walang silbi ang ideya mo miss! Magbihis ka ngayon din at sa presinto ka magpaliwanag–” “H-Ha? B-bakit aabot tayo sa gano'ng sitwasyon? Baka pwede pang maresolbahan ng ibang bagay ang ginawa ko sa'yo? S-Sir–” “No! I will sue you–” “Hindi ako papayag! W-Wala akong pang piyansa sa aking sarili dahil wala akong pera…” Nanlumo siya sa likod ng nanginginig niyang boses. Gusto niyang maiyak. Gusto niyang maglupasay sa galit kahit nanlalambot siya. Dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin kung sakali na idedemanda siya ng lalaki na di-umano ginawan niya ng eskandalo. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak dahil sa sitwasyon niya ngayon. Siya ang dehado sa totoo lang dahil siya ang nawalan ng boses para ipagtanggol ang sarili. Her innocence was suddenly torn pero itong lalaking kaharap niya tila bulag sa katotohanan. Habang pinakikiramdaman ang nag-iinit niyang mga mata, matapang niyang sinasalubong ang masakit na paninitig sa kanya ng lalaki. Habang naka-ipit sa ilalim ng kanyang kilikili ang kumot na nakabalot sa kanyang hubo't-hubad na katawan, nagawa niyang humakbang palapit sa lalaki. At kahit kumikitlrot sa sakit ang gitna niya, nagawa niya pa rin na ayusin ang tindig para sa gagawin niyang pagluhod dahil kung sa paraan na ‘yon, doon lang siya pwede magmakaawa na alam niyang mapagbibigyan siya. “Kaya kong gawin ang lahat, huwag mo lang ako idemanda o ipakulong…. Kahit ano gagawin ko hanggang sa malinis ko ang pangalan mo. Please…huwag mo akong ipakulong, ” samo niya habang pinakikiramdaman ang panginginig ng kanyang mga paa dahil sa gagawin niyang pagluhod. Buo na ang desisyon niya. Siya ang nawalan ng ka-inosentehan pero siya ang gagawa ng paraan para maayos ang gulo na ginawa niya and it was clear that she is the victim because of her virginity pero handa siyang magmakaawa just to lower her pride. “Stop!” Malakas na bulyaw ng lalaki dahilan para hindi niya maituloy sa paglapat sa sahig ang mga tuhod na nanginginig. “Gagawin mo ang lahat?” Kalmado ngunit mariin na tanong sa kanya ng lalaki. Patuloy sa panginginig ang katawan niya partikular ang mga paa niya. Hindi niya inayos ang tayo niya at doon, nagawa niya pa rin na tumango bilang sagot sa lalaki. Naramdaman niya ang pag-galaw nito at halos magkasabay sila na napatingin sa pintuan ng bigla iyon bumukas at iniluwa ang isang tao na kasama niya kasama kagabi! Si Allison iyon, kaibigan niyang nurse. “Miks…Doc, Uno–” “Then be my wife!” Diretso at walang gatul na agap ni Uno na pansamantalang nagpatigil sa kanyang paghinga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD