MIKA Pagkapasok ni Uno sa shower, kaagad akong umupo sa paanan ng kanyang kama. First time ko nakapasok sa kanyang kwarto. Hindi ko na kailangan pang mamangha dahil alam ko naman na doctor siya at expected na marami talaga siyang mga documentary and medical books. May mini-book shelves siya hindi kalayuan sa kama niya. His room was a little bit plain, not the same as the room he has in their house. Mas maraming gamit ang naroon sa bahay nila kumpara dito. Kunsabagay, mas occupied doon sa mismong bahay nila kumpara dito sa unit niya na uwian niya lang since malapit lang dito ang workplace niya. Malakas ang lagaslas ng tubig sa loob ng shower room at hinayaan ko na lang ang sarili na makinig habang hinihintay siya na matapos. It's already midnight at kung normal na araw lang ‘to, suguro na

