MIKA Dalawang araw ang lumipas simula ng maging okay kami ni Uno. Masaya ako dahil kahit ganun ang nangyari, mabait pa rin siya sa akin. He treat me like the days when I'm with him. Pareho namin alam kung ano ang namamagitan sa amin. Alam na rin ng mga kaibigan kaya natatawa ako sa tuwing inaasar siya nina Ryuku. Dalawang araw akong sumama sa medical mission nila sa kabilang barangay. Isang buwan ang itatagal nila dito at ganun rin si Alli, pero dahil okay na ang pinunta ko dito kaya naisipan ko na umuwi na dahil kailangan kong samahan si Nanay Margaret papunta sa bahay ampunan. Nag presenta na sumama si Uno pero hindi ako pumayag pero dahil may katigasan ang ulo niya kaya nasunod pa rin ang gusto niya. May sasakyan sina Nanay Margaret at kay Uno ako sumabay. As if naman may magagawa

