MIKA Hindi ako makatulog. Kahit anong gawin kong pikit sa aking mga mata, hindi ko makuhang matulog. Kung ano-ano ang mga iniisip ko. Si Niko at si Uno, bigla akong nanibago dahil unang gabi ko dito na hindi ko katabi ang bata. Tapos dumagdag pa si Uno na galit nga yata sa akin. Gusto ko siyang kausapin at humingi ng pasensya dahil hindi ko nasunod ang usapan namin pero kasi kapag nakatingin na ako sa kanya, parang umuurong ang tapang ko dahil sa mga tinginan niyang malamig at walang ka emo-emosyon. Kung ipagpaliban ko naman ‘to, baka abutin na naman siya ng ilang linggo sa medical mission na pupuntahan niya. Parang hindi ko naman maatim na galit siya sa akin tapos ako nandito sa puder niya. Bahala na. Bumangon ako at naglakas loob na lumabas ng kwarto. Katabi ng kwarto ko at sa kan

