"Bakit naman biyernes santo ang mukha mo mag smile ka." utos ni Megan sa pamangkin. "Dapat hindi na lang ako umattend." ani Cloud na nangillid ang luha habang naka tingin sa corsage na isasabit sa ina bilang pag papasalamat. Advance celebration ng Mother's Day ayaw naman sana n'yang umattend pero pilit-pilit s'ya ng Tatay n'ya na tapos wala naman pa lang darating na representative. "Wag ka ng umiyak bebeboy, baka na traffic lang ang Tanay mo?" kumunot naman ang noo ni Cloud na napatingin sa tita n'ya. "Oh! Ayan na pala ang pinapunta ng Tatay mo." wika ni Megan na napangiti. "Tatay." usal naman ni Cloud habang nakatingin sa amang parating. ********* "How do I look?" tanong ni Skyler sa asawa na abot tenga ang ngiti na nakatingin. Umikot pa si Skyler sa harapan ni Cleo. "Parang bigl

