Mariin na napapikit si Cleo kasabay ng pag kagat labi na napahawak sa puson na nag sisimula ng kumirot. 'Di n'ya mapigilan na wag ma-iyak. Hindi s'ya mahinang babae, ilan gera na ba ang sinuong n'ya noon kahit minsan hindi s'ya pinang hina ng loob laban kung laban. Patay kung patay iyon ang motto ng platton nila pero ngayon ilang beses na s'yang nanalangin na sana maligtas s'ya at ang baby n'ya. Hindi s'ya handang mamatay, hindi pa s'ya handang iwan ang mag-ama. Hindi n'ya alam kung ilang beses n'yang pinanalangin na sana dumating na sila Sky at Kuya n'ya at barkada ng mga ito. Ito ang eksaktong dahilan kung bakit ayaw pa sana n'yang mag buntis dahil sa panganib na possible nilang harapin. Woman instinct siguro. Simula ng biglang nawala si Skyler at makita n'ya ang footage na may lalakig

