Face off

1114 Words

"Sino s'ya?" takang tanong ni Cleo ng tamaan ng mata n'ya ang kamukha ni Skyler na pumasok din sa loob ng bookstore na pinasok n'ya. Kanina pa n'ya ito pasimpleng sinusundan pero tiniyak n'ya mapapansin din s'ya ng mga ito dahil malakas ang kutob n'ya na sinasadya ng mga ito na mag pakita sa kanya. "Yan ang ina-alam namin, kaya lumabas ka na d'yan tara na nakita mo na na hindi ako nag sisinungaling." ani Skyler na kausap n'ya sa kabilang linya habang naka earpods s'ya. "Oo na, mukhang goodboy ka na nga. Sige na intyin mo na ako sa park______" nahinto ang sasabihin sana ni Cleo ng maka banggan n'ya ang babae kasama ng pekeng si Skyler. "Cleo.' kunwaring gulat pang wika ng pekeng si Skyler. "Babe, i hurt my nails." wika pa ng babae na maarteng pinakita pa ang kuko sa lalaking kasama.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD