Kakababa ko pa lang sa aking sasakyan nakikita ko na ang dalawa kung pinsan na nagmamadaling sinalubong ako. “Mabuti nakauwi ka na rito!” “Ano ba ang balita na parang may nais kayong isumbong sa akin? “Galit si Mayor L.D. sa atin kaya pinaalis niya tayo sa stalls na sana lilipatan natin. At hindi lang iyan hindi niya tayo binigyan ng puwesto sa palengke batay sa napag-usapan sa draw lots wala tayo na include!” sumbong ni Joshua. “Akala ko ba lahat ng dating vendors doon may nakalaan na lilipatan? Ano daw sabi niya? “Dahil wala ka sa nasabing pinatawag niyang meeting so hindi tayo counted sa bilangan!” “Aba naman! Hindi ba kayo pumunta doon? ‘Paano eh hindi naman kami ipinatawag at sa’yo nakapangalan ang sulat at dapat ikaw ang pupunta! “S-it! Pupuntahan ko siya! “Huwag Insan! Gali

