Isang linggo buhat nang pagkikita namin ni Luke sa palengke wala nang anino nitong nakaraang mga araw. Hindi na siya nagpakita kahit dumaan man lang sa bahay ni Lola Mameng. Nakatanaw ako ngayon sa bintana habang minamasdan ang buong paligid. Nag-aabang ako sa kawalan. Kahit ang dalawa kung pinsan nakakahalata na sa biglang pagkawala ni Mayor Lucas sa ere. “Halika puntahan kaya natin sa Hacienda nila para hindi ka laging tulala diyan!” si Joshua Ganito ba ako kahalata sa mga kilos ko. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na maulit ang minsang pagkakamali ko. Masakit ang masaktan kung mahal mo ang isang tao. Bakit ngayon pakiramdam ko iniwan ako ulit ng taong mahal ko sa katauhan ni Lucas. “Hayaan mo na lang baka napagod na rin siya. Maybe may pinagka-abalahan nang iba! ‘Ikaw kasi sobra ka

