Umuwi muna ako sa bahay ni Lola Mameng hinatid lang ako ng driver ni Luke para makapagpahinga saglit. Iniwan ko silang dalawa ni Cristobal doon para mag-aasikaso ng mga kakailanganin. Luke push for an investigation tungkol sa pagkapatay ni Tita Dina nito. Kahit sinabing aksidente ang nangyari but hindi maipagkaila na maaring na may pagdudududa ang magpinsan. “Sayang ang Dina na iyon siya pa naman ang tumayong nanay ni Mayor!” ang kanyang Lola. Nagpaalam kasi siya na doon muna panandalian sa mansion ng mga Santillan para makiramay sa kalungkutan ni Luke. Ito ang kahilingan ng lalaki na hindi niya kayang tanggihan. “Hon!” at patakbong yumakap dito ng buong higpit. Hindi nito alintana ang mga pulis na palabas ng gate at sinulyapan pa kami na nagyayakapan. “Nakapagpahinga ka ba? I saw you

