“Tapatin mo nga ako Apo, boyfriend mo na ba ang mayor ng bayang ito? seryoso ang mukha ni Lola na kinausap ako pagkatapos ako maihatid sa bahay galing sa mansion ng mga Santillan. Hindi ako nakasagot ng diretsahan dahil walang ganoong napag-usapan sa pagitan namin ni Luke. Basta nakakaunawaan ang aming mga mata. Alam ko sa aking sarili na may reservation ako lalo na sa pakikipagrelasyon ulit. Ayaw kung pagsisihan ko ito pagdating ng araw. “Wala pong ganoon, Lola! “Bakit ang lakas ng loob ni Lucas para pakialaman ang buhay mo! Jasmine mag-ingat ka dahil hindi mo alam kung talaga bang nagustuhan ka niya. “Lola nag-iingat po ako!” pero napangiwi ako pagkatapos ko nasabi iyon. Paano ako mag-ingat na halos buong katawan ko muntikan ko nang ialay sa binatang mayor. “Keep distance muna sa ka

