Tahimik lamang ang binata habang nakaupo sa couch. Kasalukuyang nagluluto si Manggi sa kusina. "Magnus, kain na tayo," ani ng dalaga rito. Huminga siya nang malalim at pumunta na sa kusina. Nakaupo na ang dalaga at nakangiti sa kaniya. Kaagad na napalis ang ngiti nito nang makitang hindi masiyadong kumikibo ang binata. "Are you okay? May problema ba?" nag-aalalang tanong ng dalaga. Magnus put down his spoon and fork. Tiningnan niya nang deritso ang asawa niya. "What you did earlier isn't right. I am pissed," deritsong saad ng binata. Kaagad na natigilan si Manggi at halata ang guilt sa ekspresiyon ng mukha niya. "Sorry," ani niya. Magnus stared at her and looked down. "Kinakahiya mo ba ako bilang asawa mo?" kunot ang noong tanong ng binata. Kaagad na napailing ang dalaga. "No,

