Pagdating ng dalaga sa Villa ay naliligo na sa labas ang mga kasama ni Magnus. Huminga siya nang malalim at pumasok na sa loob. Hindi niya rin nakita si Cindy. Paniguradong nakikipag-usap na iyon ngayon kay Matthias. Sobrang gulo ng relasiyon ng dalawang iyon. Paakyat na sana siya papunta sa kuwarto niya nang tawagin siya ng asawa niya. "Manggisian," ani nito sa malamig na boses. Napatigil siya at napabuga ng hangin. Lumingon siya at naglalakad ang binata papunta sa kaniya. "Bakit?" tanong ng dalaga. "Where are you earlier?" tanong ni Magnus sa kaniya. "Naglakad-lakad lang," ani niya sa walang ganang tono at naglakad na. Natigil siya nang hawakan ng binata ang kamay niya. Hinarap naman niya ito ulit. "Bakit?" tanong niya rito. "Do we have a problem? Are you okay?" tanong ng b

