Araw ng lunes, maaga pa lang ay gumising na ang dalaga upang maghanda ng breakfast nila. Kaunti pa lang ang gising dahil 4:30 pa ng umaga. Naglinis siya ng kusina at nagluto. Bandang alas sais ay naligo na siya at nagbihis. Nakakakilos na siya nang maayos dahil hindi natulog sa kuwarto niya kagabi ang binata dahil may inaasikaso ito. Masarap ang tulog niya at magaan ang pakiramdam. Hindi katulad noong nakaraan na sobrang kabado siya at halos hindi makatulog. Kinuha na niya ang bag niya at lumabas ng kaniyang kuwarto. Sakto ring palabas ang binata sa kuwarto nito. Kaagad na nag-abot ang tingin nila. "Good morning," ani ng dalaga rito habang nakangiti. Tinanguan lamang siya ng binata at nilapitan. Nagulat pa siya nang kunin nito ang bag niya. "A-Ako na," saad ng dalaga. Hindi na nakinig

