"Puntahan mo na. Gusto mo samahan kita?" tanong sa kaniya ni Cindy. Ngumiti siya nang tipid at umiling. "Huwag na, kaya ko naman eh," ani ng dalaga at lumabas na ng kotse. Huminga siya nang malalim at sumakay na sa lift. Napaka-lakas ng t***k ng puso niya. Ramdam niya ang kabang unti-unting lumulukob sa katawan niya. Lumabas na siya at nakatayo lamang sa pintuan. Bumuga siya ng hangin at nag-swipe na ng card key at binuksan ang pinto. Napatingin lamang siya sa sobrang tahimik na loob ng condo unit. Parang walang katao-tao. Napalunok siya at pumasok sa kuwarto nila. Wala sa condo ang binata. Kinuha ng dalaga ang bag niya at inilagay ang kaniyang mga damit. Nang matapos ay napaupo siya sa kama at kinuha ang picture frame nila ng asawa niya. Ramdam na naman niya ang pagsisikip ng kaniya

