Papasok sa na sa university gate ang dalaga nang biglang may bumatok sa kaniya. Nakagat niya ang kaniyang labi sa inis at hinarap ito. "Hi panget," nakangiting bati sa kaniya ni Kirk. "Bwesit na 'to!" inis niyang singhal at akmang hahambalusin nang makatakbo ito. Mabilis na hinabol naman ito ng dalaga. "Kapag nahabol kitang g*go ka dila mo lang ang walang latay!" sigaw niya ni hindi na siya nagbigay ng paki sa mga estudyanteng nakakita sa kanila. Inabutan na siya ng pagkahingal at ang tikbalang ay hindi na niya naabutan pa. Inaasar pa siya nito. "Humanda ka talaga sa'kin kapag nakita kita," inis niyang bulong habang naglalakad. "Hi friend," tawag sa kaniya ng kaibigan. Kaagad na nanghihinang napahinga ang dalaga. "Nandito rin ang isang sakit ng ulo ko," mahinang saad niya. Nila

