"What the hell, Danica?" singhal ng binata sa dalaga. Mabilis na napangisi ito at bumusangot tsaka tumayo at niyakap siya. Sakto namang pumasok sa loob si Khadessi. "K-kukuha lang ako ng tubig," malamig na sambit nito at deritso na sa refrigerator. Matapos makakuha ay lumabas na ito. Ni hindi nakapag-salita ang binata. Paniguradong iba na ang iniisip nito sa kanilang dalawa. Inis na inalis ng binata ang kamay ni Danica sa balikat niya. "You ruined my day," matigas na sambit ng binata. "Kuya!" yamot na ani nito. "Sorry na, gusto ko lang namang bwesitin ang asawa mo. In fairness ang taas ng pasensiya niya ha. Ang ganda pa," puri ni Danica kay Khadessi. "Why did you do it?" seryosng tanong ng binata. "You see what you did? Paniguradong iba na ang iniisip ng asawa ko ngayon," frust

