Paglabas ng dalaga ay muntik pa siyang matumba nang makita ang binata na naghihintay sa kaniya sa labas ng banyo. "A-Ano'ng ginagawa mo riyan?" tanong ng dalaga rito. "Sabay na tayong mag-breakfast," ani ng binata. Tumango naman ang dalaga. Pumasok na siya sa closet niya at nagbihis. Sinadya niya talagang magtagal para mauna nang umalis ang binata. Subalit paglabas niya ay nakaupo lang ang binata sa kama habang may binabasang libro. "Let's go," ani nito sa kaniya. Kaagad na napatango naman siya at sumunod na rito. Hinintay siya ng binata na makarating sa kaniya. Nang makalapit ay hinawakan ng binata ang kamay niya papunta sa dining room. Napakurap-kurap naman siya sa ginawa nito. Imbis na magreklamo ay napangiti na lamang siya. Magnus can be sweet sometimes. But of course it's in hi

