Matapos siyang gamutin ng binata ay napangiti siya. Ilang saglit naman ay napatingin silang dalawa sa front door. Nakatayo roon si Jerome at may hawak na boquet ng roses. "Mga anak, nandito si Jerome," ani ng mayordoma ng mansiyon na si Aling Sylvia. Magnus turned his head on her and his forehead was knotted. Hindi rin alam ng dalaga ang sasabihin. Nakangising lumapit sa kanila si Jerome at ibinigay ang hawak nitong boquet sa kaniya. "For you," ani nito at nakangiting nilingon si Magnus. Nanatiling tahimik ang binata. "Hi bro," bati ni Jerome sa binata. Tinanguan lamang ito ni Magnus. "U-upo ka," nahihiyang saad ng dalaga at napatingin kay Magnus na seryosong nakatingin lang sa kaniya. His jaw clenched. Napapikit naman ang dalaga dahil sa tingin niya ay galit si Magnus. "What happ

