Chapter 5: Saving Her

2052 Words
Warning: Not suitable for young readers. This chapter contains bed scenes and situations suitable for mature readers only. "Who is she? And what happened to her?" Asik ni Samantha nang masilayan ang isang babae habang walang malay na nakahiga sa silid ni Yuhan. Ang totoo masama ang loob niya kay Yuhan, sapagkat hindi man lang nito pinaalam sa kanya na nakabalik na pala ito sa Pilipinas. "She passed out, at pwede ba huwag ka nang magtanong! Gamotin mo nalang siya okay?" Tinignan niya ang kalagayan ng babae at kaagad na nilapitan para magamot. "How is this child related to you? Bakit ang dami niyang sugat?" Usal niya habang ginagamot ang babae. "She's not a child anymore!" Asik ni Yuhan. Batid niyang nagdadalaga pa lamang ang babae base sa itsura nito. Hindi talaga siya mapapanatag hanggat hindi nalalaman kung kaano-ano nito si Yuhan. Matagal na niyang kaibigan ang binata, kaya alam niya kung sinu-sino ang mga taong malapit dito. She knows him as a womanizer, kaya lahat ng babae na nakasiping nito ay inaaway niya. Patuloy niyang sinusuri ang dahilan kung bakit nahimatay ang dalagita at ilang sandali pa ay natapos na niya ang ginagawa. "Vasovagal syncope is the possible cause why she passed out." Saad niya sa binata. "And what the hell does it mean?" "Nangyayari iyon kapag ang isang tao ay nakaranas ng isang nakaka stress na pangyayari like emotional distress and physical trauma." Sagot niya. Sinulyapan niya si Yuhan. Hindi ito mapakali at parang may kung anong bumabagabag sa isipan nito. "Ngayon na tapos ko na siyang gamotin, siguro naman sasabihin mo na sakin kung kaano-ano mo ang batang ito!" Dugtong pa niya. "She's my friend!" "What? Kailan mo pa siya naging kaibigan?" "You know what kung hindi ka titigil sa katatanong, mas mabuti pang umalis ka na!" Nasaktan siya sa narinig. Kahit kailan talaga hindi nito pinahahalagahan ang lahat ng ginagawa niya para rito. Matagal na siyang may gusto sa binata at alam nito ang kanyang nararamdaman. "Ang bilis mong mapikon, nagtatanong lang naman ako!" Malambing niyang saad sa binata. "Alam mo bang marami akong appointment ngayong araw, pero dahil tumawag ka, isinantabi ko muna ang mga iyon para sayo." Dugtong pa niya. Nais niyang ipabatid sa binata na gagawin niya ang lahat magustohan lang siya nito. She wants him to be her lover. "Then thank you! Anyway, how is she? Hanggang kailan siya mawawalan ng malay?" "She needs some rest and sooner or later magigising din siya!" Sinulyapan niya ang binata, base sa itsura nito, halatang nag-aalala ito sa kalagayan ng dalagita. Muli niyang tinignan ang babae. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na panget ito, sapagkat natural ang tinataglay nitong mala anghel na kagandahan at kahit saang anggulo ng mukha nito ay magandang tignan even without makeup, samantang siya kailangan pa sumailalim sa plastic surgery operation just to look good. Bigla siyang nakaramdam ng inggit at inis para sa babae. Samantala, nalilito si Yuhan sa kanyang nararamdaman para kay Anne. Bakit ganun nalang siya mag-alala para rito? Dapat nga matuwa pa siya, dahil nasasaktan ito ngayon ng sobra, subalit sa tuwing nakikita niya itong nahihirapan pakiramdam niya kumikirot ang kanyang puso. What a nonsense! She is my father's mistress. Sigurado akong lilipas din itong nararamdaman ko sa kanya. "Can I sleep here tonight?" Napukaw ang kanyang atensyon sa narinig. Okupado ang kanyang utak kakaisip sa nangyari sa dalaga, kaya muntik na niyang makalimutang nandito pala si Samantha. "No! " Asik niya. Batid niyang isa si Samantha sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya, kaya ayaw na ayaw niyang napapalapit ito sa kanya. Ito lang ang kaibigan niyang doctor, samakatuwid wala siyang pagpipilian kundi tawagan ito kanina. "I'm sure you have a guest room here, doon nalang ako matutulog, please! Kahit ngayong gabi lang!" "I said no! Naiinis niyang saad. "Let me sleep here tonight please, iyon nalang ang bayad mo sa paggamot ko sa batang yan!" "Fine! Samahan mo siya dito sa room, nang sa gayon ma obserbahan mo ang kalagayan niya!" "I'm a doctor not a babysitter!" "I know exactly! So kung ayaw mo, pwede ka nang umalis!" "Bakit ba palaging mainit ang ulo mo sa tuwing nag-uusap tayo?" Hindi na niya pinansin si Samantha, naririndi siya sa presensya nito. Nagtungo siya sa kusina para magluto. Kung alam lang niya na hindi marunong magluto si Anne, eh di sana hindi niya muna pinagbakasyon ang mga tagapag-alaga ng kanyang villa. Hindi naman sa pagmamayabang, ngunit magaling at masarap siya magluto, because when he was a child he always observe her mom how to prepare foods. Kumuha siya ng pork sa fridge. Hindi niya maunawaan ang sarili bakit iniisip niya kung magugustuhan ba ni Anne ang kanyang lulutuin. Sa kabilang dako, napabalikwas ng bangon si Anne habang hinahabol ang kanyang paghinga, dahil sa nakakatakot niyang panaginip. In her dream, she was fatally wounded by a gunshot from Yuhan. Kahit na panaginip lamang iyon, hindi pa rin niya maiwasang matakot. Ganun na ba kalaki ang galit nito sa kanya para kitlin ang kanyang buhay? Nagawa nga siya nitong saktan, kaya hindi malayong mangyari ang ganung bagay. Ilang saglit pa ay may narinig siyang tunog mula sa kanyang sikmura, senyales na nagugutom na siya. Masakit din ang kanyang ulo at pakiramdam niya anumang oras ay maduduwall siya, epekto marahil sa buong araw at gabi na walang kain. Nagmasid siya sa paligid. "Teka nasaan ako?" Ang huli niyang naaalala ay nasa basement siya. Napansin din niya ang gauze swab sa kanyang kamay at mga paa. Naisip niya baka ginamot siya ni Yuhan, sila lang namang dalawa ang tao sa villa. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na hindi siya natuwa sa ginawang paggamot sa kanya ng binata. "Ibig bang sabihin, binuhat niya ako papunta dito?" Naisipan niya na pumunta sa banyo para maghilamos. Mabuti at meron mga damit sa kanyang silid, kaya nakapagpalit siya ng kasuotan kahit papano. Pagkatapos, dumeritso na siya sa kusina para maghanap ng makakain, ngunit sumagi sa isip niya ang binigkas ni Yuhan noong nakaraang araw na bawal siyang kumain hanggat hindi nito sinasabi. Subalit gutom na talaga siya, kaya naman binuksan na niya ang pagkain na nakalagay sa lamesa at bumungad sa kanya ang nakakagutom na amoy ng pork sinigang. "Wala namang cctv dito, kaya hindi niya malalaman kung kukuha ako ng pagkain." Usal niya sa sarli. Nanginginig ang kanyang kamay habang nag sa sandok ng kanin, batid niyang bigla bigla na lamang sumusulpot ang binata, kaya hindi niya maiwasan na makaramdam ng kaba sa mga sandaling iyon. Pagkatapos, ay mabilis siyang kumilos upang kumuha ng ulam sa lamesa at agad na bumalik sa kanyang silid. Doon na niya naisipan na kumain, nag-iingat lamang siya, sapagkat ayaw niya maulit muli ang nangyari noong nakaraang araw. Mayamaya pa ay natapos na siyang kumain, at problema naman niya ngayon ay tubig. Nauuhaw na siya, kaya agad siyang lumabas upang kumuha ng maiinom, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon may kung anong halinghing ang narinig niya mula sa kabilang silid na pinagtaka niya. Hindi siya mangmang para hindi malaman kung ano ang bagay na iyon. Wala namang ibang tao dito maliban sa kanila ni Yuhan, kaya sino ang babaeng narinig niya na panay ang ungol? Dahil sa kuryosidad nilapitan niya ang pintuan kung saan nanggagaling ang boses at sakto namang nakaawang ang pintu, kaya hindi niya naiwasang masaksihan ang nangyayari sa loob. "Ohhhh s**t ang sarap! Uhmmmm!" Ungol ng isang babaeng nakatalikod habang nakapatong sa ibabaw ni Yuhan. Kinilabutan siya sa nakita at narinig, kaya naman nagmamadali siyang bumalik sa silid niya. Ito ang unang beses na makasaksi siya ng ganung pangyayari. Hindi naman siya ignorante hinggil sa bagay na iyon, ngunit hindi lang niya matanggap ang ginagawang kalaswaan ng mga ito. Noong nakaraang araw lang ay wala siyang nagawa sa pamba babuy ng binata sa kanya, tapos ngayon makikita niya itong may kasiping na ibang babae? Sinumpa na niya ang binata na hindi niya ito mapapatawad kahit kailan, dahil sa ginawa nitong pagdukot at pananakit sa kanya, ngunit bakit parang tinutusok ng paulit-ulit ang puso niya sa mga sandaling iyon? Ilang sandali pa ay nararamdaman niya na nag silandas ang mga luha sa kanyang pisngi. Agad niyang pinunas ang mga iyon at matapang na lumabas sakto namang nakita niya ang isang pares ng sapatos. Nagmamadali niyang isinuot iyon at kahit hindi kasya hinigpitan na lamang niya ang pag buhul ng sintas. Alam niyang kay Yuhan iyon, ngunit wala siyang pakialam. This is her second chance to escape from his ruthless kidnapper. Kahit imposible ang nais niyang mangyari, wala namang masama kung susubukan niya. Mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa maranasan muli ang kahayopan nito. Ngayon ay mas lalo lang nadagdagan ang galit niya para sa binata. Pinagmasdan niya muli ang kabuuan ng paligid. Ngayon lang niya napansin na masukal pala ang kaliwang bahagi ng villa. Batid niyang may mga guwardiya na nakabantay sa labas ng gate, kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi tahakin ang masukal na kagubatan. "Panginoon, nagsusumamo po ako sa inyo, tulungan niyo po akong makatakas sa lugar na ito!" Taimtim niyang panalangin. Mabuti at hindi na masyadong masakit ang sugat sa kanyang mga paa, kaya magagawa niyang tumakbo at maglakad ng matagal. Patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa di kalayuan may natanaw siyang munting kubo. She also noticed a waterfall near the hut. And she couldn't figure out why the place seemed so familiar to her. Umupo muna siya at pinagmasdan ang paligid. Batid niyang ito ang unang beses na nakapunta siya dito, ngunit bakit pakiramdam niya parang nasilayan na niya ang lugar na ito noon? Saglit siyang pumikit, dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa kanyang balat. Napakapayapa ng lugar at tanging huni ng mga ibon lamang ang kanyang naririnig. Afterwards, a roaring thunder and lightning startled her out of her peaceful state. At bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan, kaya naman pumasok siya sa loob ng kubo para hindi siya mabasa. Takot siya sa kulog at kidlat, kaya minabuti niya na manatili muna sa loob ng kubo. Palakas ng palakas ang naririnig niyang dagundong sa paligid at napansin din niya na unti-unting tumataas ang lebel ng tubig sa talon. Batid niyang hindi siya pwedeng manatili sa lugar, sapagkat masyadong delikado, ngunit takot talaga siya sa kidlat, kaya natatakot siyang lumabas. Umupo siya sa sulok ng kubo at tinakpan ng mga kamay niya ang magkabilang tenga upang hindi masyadong marinig ang dagundong. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, biglang bumulusok ang tubig mula sa talon, samakatuwid umabot ang baha sa kubo na lalong nagpabahala sa kanya. "TULONG!" Batid niyang wala ng ibang tao sa lugar, ngunit umaasa pa rin siya na sana may makarinig sa kanya. Biglang sumagi sa isip niya ang binata. Sinisi niya ito sa kung ano ang kinasasadlakan niya ngayon. Kung hindi siya dinukot ng hayop na iyon, hindi niya sana mararanasan ito. Hindi matibay ang kubo at anumang oras ay tatangayin ito ng agos, kaya naman napagdesisyonan niyang lisanin ang lugar, ngunit akmang lalabas na siya ng biglang tangayin siya ng agos kasama ang kubo. Kahit gaano pa siya karunong lumangoy hindi niya magawa na labanan ang baha, sapagkat masyadong malakas ang agos ng tubig. Gayunpaman hindi siya pinabayaan ng panginoon, kaya nakakapit siya sa isang malaking bato malapit sa gilid dahilan para makaahon siya. Labis ang takot na nararamdaman niya sa mga oras na iyon, dagdagan pa ng malakas na tunog ng kulog at kidlat. Batid niyang delikado kung mananatili siya sa lugar na iyon, kaya lakad takbo ang ginagawa niya at hindi inalintana ang pagod at sakit ng katawan. Labis na siyang giniginaw at hindi na niya mawari kung hanggang saan pa ang tatakbuhin niya para marating ang dulo ng kagubatan. Pakiramdam niya pabalik-balik lang ang kanyang dinaraanan dahilan upang tuluyang mawala ang kakarampot na pag-asang meron siya. Nanghihina at nangangatog na rin ang kanyang katawan dahil sa lamig hanggang sa di kalayuan ay natanaw niya ang isang bulto ng isang lalaki na papalapit sa kanya. Ilang sandali pa ay umiikot at lumabo na ang kanyang paningin at tuluyang bumagsak sa lupa, ngunit isang matigas na mga bisig ang sumalo sa kanya at hindi niya maaninag ang mukha nito hanggang sa tuluyan nang dumilim ang kanyang paligid. "Please open your eyes!" Iyon ang huling boses na narinig niya mula sa lalaki bago siya tuluyang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD