Chapter 13: Heartache

1881 Words
"Hindi kita mahal." Matapang na sambit ni Anne sa kanya, bagay na nagpakirot sa puso niya na tila ba sinaksak ng punyal. Ayaw tanggapin ng buo niyang sistema ang narinig mula sa dalaga. Hinawakan niya ang mga kamay ni Anne at hinalikan iyon. "Please tell me that you're lying." Hindi siya kumbensido sa sinabi nito. Nagkamali lang ba siya? He could feel her love for him, kaya hindi niya kayang tanggapin ang sinabi nito. "Nagsasabi ako ng totoo!" "Ngunit taliwas iyon sa pinapahiwatig ng mga mata mo." "I don't love you, mahirap bang intindihin yon?" "Alam kong nagsisinungaling ka lang. Diyan ka naman magaling eh. Lahat nalang kasinungalingan ang sinasabi mo sa akin!" Tumaas na ang boses niya sa sobrang frustration na nararamdaman. "Paniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan, labas na ako dun!" "Kung hindi mo ako mahal, bakit ka nasasaktan ngayon?" Huwag mo nang itanggi, dahil kitang-kita sa mga mga mo ang tunay mong nararamdaman ngayon!" Nag-iwas ng tingin si Anne sa kanya. "Bitawan mo ang kamay ko. Matutulog na ako." Pag-iiba nito ng usapan. "No! Hindi ka matutulog hanggat hindi ko sinasabi." "Ano na naman ba ang problema mo?" Singhal nito sa kanya na lalong nagpainit sa kanyang ulo. "Mag-usap muna tayo please!" Wala na siyang pake kung isipin nitong nahuhumaling siya dito, dahil iyon naman ang totoo. "Ano pa ba ang gusto mong pag-usapan natin ha?" "Tungkol sayo! About us!" "Tigilan mo na ako Yuhan. Please pakawalan mo na ako. Gusto ko nang umuwi!" Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa niya. Sumasakit na rin ang kanyang ulo, epekto na rin marahil sa drugs na nainom niya. "Hindi mangyayari ang gusto mo. Sino ka ba sa akala mo ha? Isa kalang naman gold digger at bayarang babae na nagbebenta ng laman!" Tuluyan na ngang sumabog ang galit na kanyang nararamdaman, bagay na pinagsisisihan niya, sapagkat biglang nanginig sa takot si Anne, at katulad iyon noong unang beses niya itong pinagbuhatan ng kamay. Gayunpaman, kung magpapadala siya sa bugso ng kanyang damdamin para na rin niyang kinalimutan na kabit ito ng ama niya. Batid niyang umusbong na ang nararamdaman niya para sa dalaga, kaya naman kailangan niyang putulin iyon habang maaga pa. Marahas niyang binitawan ang kamay ng dalaga sabay alis at nagtungo sa kanyang kotse. Sa kabilang dako hindi na napigilan ni Anne na mapahagolgol dahil sa nangyari. Saksi ang Diyos kung gaano niya pinagsisihan ngayon ang ginawang pagsisinungaling kanina kay Yuhan. Bakit niya ba ginawa iyon? Kung sinabi niya lang ang tunay niyang nararamdaman para sa binata eh di sana wala siya sa ganitong sitwasyon. Wala siyang nagawa kundi bumalik sa kanyang silid. Matutulog siya ngayon na namumugto ang mga mata. Kinabukasan, nagising siya dahil sa hapdi ng kanyang sikmura. Tumingin siya sa orasan na pinanlaki ng mga mata niya. Alas dyes na pala ng umaga. Napuyat siya kagabi, kaya hindi na niya namalayan ang oras. Agad siyang bumangon at nagtungo sa restroom. Pagkatapos ay nagmamadali siyang lumabas ng kanyang silid. Natitiyak niyang sina Aling Betty ang naririning niyang maingay sa may kusina, kaya naman nagmamadali siyang naglakad papuntang kitchen. Ngunit sa hindi inaasahan, nabungaran ng mga mata niya ang isang nakatalikod na babaeng kumakanta habang nagluluto. Ang boses nito ay napakasarap sa tenga at hindi nakakasawang pakinggan. Kilala niya lahat ang mga tagapag-alaga ng villa, kaya natitiyak niyang baguhan lamang sa paningin niya ang babae, at imposibling isa itong katulong, sapagkat eleganti itong tignan basi sa tindig at pananamit nito. Nagtago siya sa likod ng pader. Hindi niya alam bakit bigla siyang nakaramdam ng hiya. Anong ginagawa nito sa bahay ni Yuhan? Sinilip niya ang babae at nakaharap na ito ngayon. Kilala niya ang babaeng ito, but not personally. She is Glydel Rivera, a well-known artist in singing industry. She has earned a reputation of being an Asia's songbird na nakatanggap ng ibat-ibang parangal dahil sa talento nito. Ilang beses na rin niya itong nakitang gumanap sa mga pelikula at lumabas sa telebisyon, sa ilang advertisement, at ilan sa mga kaibigan nito ay famous international artists. Maya maya pa ay nasilayan niya si Yuhan na lumapit sa babae. Hinalikan nito sa pisngi si Glydel na ikinagulat niya. Pilit pinoproseso ng utak niya ang nasaksihan. Paanong kay dali lang para sa binata ang magdala ng babae dito, gayong nandito siya? Subalit hindi niya rin ito masisisi, sapagkat sa bibig niya mismo nanggaling na wala siyang pakialam kung sino man ang maging kasintahan nito, ngunit bakit kumikirot ang puso niya ngayon? Naisipan niyang bumalik sa kanyang silid, ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya nang marinig niya ang boses ni Yuhan. "Anne, let's eat! Breakfast is ready!" Nilingon niya ang binata at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso nang magtama ang kanilang mga mata. "Thank you, pero busog pa ako." Pagsisinungaling niya. Bakit iyon ang lumabas sa bibig niya? Napaghalataan tuloy na nagsisinungaling lang siya. "Come, join us." Boses iyon ni Glydel. Wala na siyang nagawa kundi lumapit sa kinaroroonan ng dalawa. "Hi, I'm Yuhan's girlfriend. You can call me ate Glyde." Nakangiting pakilala ng babae. Kailangan pa bang ipangalandakan na kasintahan niya ang mokong. Napilitan siyang ngumiti. "Mabuti naman po at nakahanap na ng girlfriend si kuya Yuhan, masaya po ako para sa inyong dalawa." Sinulyapan niya ang gawi ni Yuhan. Batid niyang tinititigan siya nito ng masama ngayon. Tumawa ang babae at lumingon sa katabi nito bago tumingin sa kanya. "Your name is Anne, right? You're so cute!" Tango lang ang naging sagot niya. "Kumain ka ng marami." Dugtong pa nito habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya. "Thank you ate Glyde, ako na ho ang maglalagay." Saad niya sabay agaw sa hawak nitong serving spoon. Kumuha ng pagkain ang babae at sinubo iyon kay Yuhan. "Ang sarap mo palang magluto." Sambit ni Yuhan. "Thank you sweetie!" Usal ni ate Glyde habang masayang sinusubuan si Yuhan. Sumagi sa isip niya ang unang beses siyang nagluto at hindi iyon nagustuhan ng binata, bagay na ikinainit ng kanyang ulo. Bakit ba kasi sumabay pa siya sa mga ito? Nag-iwas siya ng tingin sa dalawa. Pinasabay ba siya para masaksihan niya ang harutan ng mga ito? Nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata, dahil sa sobrang inis na nararamdaman at kailangan niyang umalis bago iyon tuluyang mag-unahan sa pag-agos. "Ilang taon ka na pala Anne?" Usal ng babae sa kanya. "I'm nineteen." Tipid na sagot niya. Hinihintay niya na magtanong ang babae kung ano ang relasyon niya kay Yuhan. "You look younger than your age. Akala ko seventeen ka lang." "Thank you, yon din po ang sabi ng mga classmates ko." Naalala tuloy niya ang mga kaibigan niya sa school. Tinignan siya ni Yuhan at muling nagtama ang kanilang paningin, mababakas sa mukha nito ang pagtataka. Tinignan niya ito ng masama. Nagsasabi lang naman siya ng totoo. "Ang cute mo talaga. Siguradong maraming nanliligaw sayo. So kamusta ang first kiss mo?" Muntik na siyang mabilaukan dahil sa narinig. Sumagi sa isip niya ang unang beses na hinalikan siya ni Yuhan. Interview ba ito? Bakit ang dami nitong tanong tungkol sa personal niyang buhay? "I hate him." Sambit niya habang matalim na nakatingin sa binata. "Who?" Nagtataka na sambit ng babae. "My ex-boyfriend." Naway patawarin siya ng panginoon sa lahat ng kasinungalingan na lumalabas sa bibig niya ngayon. Ayaw niyang ipabatid sa babae na wala pa siyang naging kasintahan simula pagkabata. Hindi rin naman siya paniniwalaan ni Yuhan. Tumayo si Yuhan at hinawakan ang kamay ni ate Glyde. "Let's go outside." Sambit nito habang hinihila ang kamay ng babae. "Teka lang sweetie, paano si Anne?" "Leave her alone, kaya na niya sarili niya." Sambit nito na ipintagtaka niya. Bakit nag-iba na ngayon ang pakikitungo ni Yuhan sa kanya? Bakit bigla naging malamig ang awra nito? Dahil ba sa nangyari kagabi? "Ikaw na ang magligpit at maghugas ng pinagkainan natin." Dugtong pa nito sabay hawak sa kamay ng kasintahan nito at naglalakad patungo sa may veranda sa labas. "Sweetie, can't you see? May sugat si Anne sa kamay." Narinig pa niyang sambit ng kasintahan nito habang hinihila palabas. Tumayo siya at nagdadabog na niligpit ang pinagkainan nila sa lamesa. Hindi ba pumasok sina Aling Betty? Bakit wala siyang nakikitang maids ngayon sa mansion, dapat andito na ang mga iyon sa ganitong oras. Ang totoo natatakot siyang bumalik muli ang Yuhan na una niyang nasilayan. Bakit nagbago na naman ang ugali nito? Tinagnan niya ang gauze swab na nakalagay sa kanyang kamay. Muling sumagi sa isip niya ang nangyari sa basement. Kahapon lang hinalikan siya nito. Ano ang ibig sabihin nun? Ang daming tanong ang gumugulo sa isip niya ngayon. Paanong naging girlfriend nito si Glydel at kailan pa sila naging magkasintahan, kagabi lang ba? She transferred the used glasses and dishes on the sink. Paano niya gagawin ito? Hindi naman siya marunong maghugas ng pinggan. Ngunit paano siya matutoto kung hindi niya susubukan? Gagawin ba siyang katulong dito? Mukhang dito na siya matutoto na gumawa ng mga gawaing bahay. For this reason, she started to wash the dishes in a running water. Pagkatapos ay kinuha niya ang sponge. Mabuti na lang at may label na dishwashing liquid ang isang small container, kaya iyon ang ginamit niyang sabon panghugas. Minsan na niyang nasaksihan ang prosesong ito kay Aling Betty, kaya kahit papano ay may ideya siya sa ginagawa. Subalit sa hindi inaasahan, nadulas sa kamay niya ang hawak na pinggan at nahulog iyon sa sahig dahilan para umingay ang buong paligid. Napapikit na lamang siya sa nangyari. Tiyak iinit na naman ang ulo ng binata kapag nakita nito ang mga bubog na nagkalat sa sahig. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ngayon. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Hinahanap ng mga mata niya ang vacuum cleaner. Nagtungo siya sa kubeta para maghanap ng pwedeng magamit panglinis, ngunit wala siyang makita kahit walis man lang. Kaya naman wala siyang ibang pagpipilian kundi kamayin at isa-isahing pulutin ang nagkanda basag-basag na pinggan sa sahig. Ngunit ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang mabungaran sa kusina ang magkasintahan. "Anne, are you okay?" Boses iyon ni ate Glydel. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito. Bakit parang nag aalala ito sa kanya? "Look what you've done? Hindi mo nagawa ng maayos ang simpling bagay na pinapagawa sayo, because of your stupidity!" Singhal ni Yuhan sa kanya. "Sweetie, huwag mo na siyang pagalitan. Hindi naman niya sinasadya ang nangyari." Malambing na sambit ni ate Glyde habang nakapulupot ang mga kamay nito sa braso ni Yuhan. "Clean your mess. Siguraduhin mong hindi ko na makikita yan pagbalik ko. Naiintindihan mo?" Dungtong pa ng binata. Nakatuon ang mga mata niya sa sahig. Naiinis siya ngayon kay Yuhan. Ayaw niya itong tapunan ng kahit isang tingin. Kagabi lang iba ang kasama nitong babae, tapos ngayon may bago na naman itong kasintahan? "Tulungan na kita." Sambit ni ate Glyde habang lumalapit sa kanya. Hinablot ng binata ang kamay ni ate Glyde. "Don't help her, hayaan mo siyang linisin ang kalat niya!" Usal ni Yuhan sabay alis kasama ang kasintahan nito. Tuluyan na ngang nag-unahan sa pag-agos ang mga luha niya hindi dahil sa nabasag na pinggan kundi dahil sa kasintahan ng binata. Ang sakit pala sa pakiramdam ang makitang may kasamang ibang babae ang taong gusto mo. Parang tinutusok ng napakaraming karayom ang puso niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD