Kabanata 15: Drowned Sorrows Magandang simoy ng hangin, magagandang tanawin, malinaw na daloy ng tubig, masasayang boses ng mga tao. Mga bagay na hirap akong marinig at masilayan noong panahon ng pandemya taong 2019. Pati taon at eksaktong araw, hindi ko na matandaan kung kailan ito unang dumapo sa Pilipinas. Basta ang alam ko na lang, parang dati, iniisip ko lang kung posible pa kayang mawala ‘yon, o mawawala ba talaga? Maibabalik ba talaga sa normal ulit ang buhay ng mga tao, matitigil kaya ang araw-araw na kaso ng virus, ng mga namamatay, at mga lalong naghihirap? Dumating din pala, matapos ang ilang taon, makakarinig din pala ako ulit ng mga halakhak, makakakita pa rin pala ako ng mga ngiting hindi natatakpan ng face shield o face mask, pwede ko na rin yakapin ang mga taong gusto k

