Kabanata 11: U-turn Gone Wrong Pagdating namin ni Axel ulit sa hotel, tumambad agad sa amin ni ang mga nakangiting pagmumukha ni Sean at Ava. Pati na rin ni Tasha at Becky. Abot langit ang mistulang mga porma ng mga ngiti nila. Samantalang kaming dalawa, hindi namin alam kung paano sasabihin ang nalaman namin na balita dahil hindi rin naman namin alam kung ano nangyayari because the both of us, kaming dalawa ay tila ni-set up pa nga to have this day for the both of us, habang may isa na pala sa mga kasama namin ang hindi okay ang kalagayan ngayon. Hindi ko tuloy maintindihan kung nakarating na ba sa kanila ang balita o kami pa lang ni Axel ang may alam ng balita tungkol sa fiancé ni Jaden. Dahil for sure, mas lalo na talagang malabo na makatrabaho pa namin si Jaden dahil sa sitwasyon niy

